Una sa Balita

Curry nagpakawala ng 34 pts vs Suns

By
0 542

PASABOG ng 34 points si Stephen Curry, nagdagdag ng 25 si Kevin Durant, at ibinaon ng Golden State Warriors ang dinayong Phoenix Suns, 132-109, Lunes ng gabi.

Tinalo ng Warriors ang Suns sa pang-17 sunod na laro, walo rito sa Phoenix.

Nagliyab ng 14-for-28 sa 3-point range ang Golden State, 5-for-9 si Curry. Malamya ang umpisa ng Warriors pero nang makuha ang ritmo sa second quarter ay kumaripas na.

“Pretty much the whole second quarter and beyond, we were just disciplined defensively and played with a purpose on offense,” suma ni Curry, nagbaba pa ng team-high 9 ­rebounds.

Related Posts

Nagsumite ng 25 points at 10 rebounds si Deandre Ayton sa Suns, may 24 points si TJ Warren at 20 kay Devin Booker.

Umiskor si Curry ng 12 sa ­second quarter kabilang ang 3 na nagbigay sa Warriors ng 39-31 lead, 10 ­minutes pa sa period.

Tumabla pa ang Suns sa 45 bago isinara ng Warriors ang half sa 24-7 run. Sa 3 ni Andre Iguodala, layup at free throw ni Jonas Jerebko at dalawang charities pa ni Iguodala ay umagwat ang Golden State, 69-52, sa break.

Tinapyas ng hook shot ni Ayton ang hinahabol sa 82-72 sa third, pero muling kumaripas ang Warriors. Sa 3 at dalawang free throws ni Durant ay dumistansiya ang Golden State, 100-81, 1:38 sa period.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy