Una sa Balita

Curry, lumantak ng halo-halo; dadalo sa UAAP opening

By ,
0 357

NAKATIKIM ng sarap ng Filipino food si NBA three-time champion Stephen Curry ng Golden State Warriors sa kanyang press conference ng Under Armour Asia Tour sa BGC, kahapon.

Nasubukan ni Curry ang ipinagmamalaki ng mga Pinoy na halo-halo.

Bago magsimula ang programa, binigyan ang two-time Most Valuable Player ng halo-halo na may ube ice cream.

“I have a sweet tooth,” sabi ni “Chef Curry” na tila nagustuhan naman ang kanyang kinain na panghimagas.

Pangalawang beses nang bumisita si Curry sa Pilipinas at nagpasalamat siya sa mga Pinoy mula rin sa iba’t ibang panig ng mundo na walang-sawang sumusuporta sa kanya. 

“I just appreciate the support on social media, in and around the Bay Area, there is so much love and support for me and my fami­ly from the fans here in the Philippines. I appreciate that sincerely. That is why I look forward to coming back here. Hopefully, it continues,” aniya.

Samantala, inihayag ng National University, host ng UAAP Season 81, na bibisita si 3-time NBA champion at two-time season MVP Stephen Curry sa opening ng liga.

Ayon sa Facebook post ng NU, pupunta si Curry para maging inspirasyon sa mga atleta at sa mga taga­hanga ng UAAP.

“Stephen Curry will be at the UAAP Season 81 opening to inspire UAAP athletes and sports fans,” ayon sa post ng NU.

Makasasama niya sa UAAP opening ang K-pop girl group na Momoland at ang Spongecola, at si James Reid.