Una sa Balita

Curry loyal sa Warriors

0 335

SA dami ng naggalawan at naglipatang superstars, si Stephen Curry na ng Golden State ang longest-tenured player na nakakontrata sa isang team.

Papasok na si Curry sa 11th season niya sa Warriors.

‘Yun ay kung hindi na pipirma sa Miami si Udonis Haslem. Sakaling bumalik, magiging pang-17th season na ni Haslem sa Heat.

Nagretiro na si Dirk Nowitzki (21 seasons sa Dallas), nai-trade sa Utah si Mike Conley na naka-12 seasons sa Memphis.

At si Russell Westbrook, nasa Houston Rockets na pagkatapos ng 11 seasons sa Oklahoma City.

Kasama ang $196 million extension ni Damian Lillard sa Portland at $170 million extension ni Jamal Murray sa Denver, nakatakdang magbayad ang NBA teams ng $4 billion sa mga bagong deals na napirmahan sa nakalipas na tatlong linggo.

Tataas pa kapag natuloy ang ulat na pinaplantsa na rin ang $170 million extension ni Ben Simmons sa Philadelphia.

Ang $4 billion, ayon sa The Associated Press, ay doble na ng total payroll ng bawat team sa liga isang dekada na ang nakakaraan. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy