Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Curry kalawit ng triple ‘D’

0 177

DINALAWAHAN ng Golden State ang Los Angeles Lakers sa preseason, tinuloy ng Warriors ang dominasyon sa opening night ng 2021-2022 regular season Martes ng gabi sa Staples Center.

Pasabog si Stephen Curry ng buena-manong triple-double na 21 points, 10 rebounds at 10 assists, at itinumba ng Warriors ang Lakers 121-114.

Nag-ambag si Jordan Poole ng 20 points, may tig-15 sina Damion Lee at Nemanja Bjelica na kumalawit pa ng 11 rebounds. Nagsumite si Draymond Green ng 6 points, 8 rebounds at 6 assists at nanguna sa buong gabing pambubulabog kay LeBron James.

Pareho ang double-double stats nina James (34 points, 11 rebounds) at Anthony Davis (33 at 11), pero limitado sa single-digits ang triple-double machine na si Russell Westbrook.

Diyeta sa 8 points, 5 rebounds at 4 assists si Westbrook sa unang regular season game ng Big 3 ng Lakers. May 9 points si Carmelo Anthony.

Pinakamalaking bentahe na nakuha ng Warriors sa free throw line – 25 of 30 kumpara sa 9 of 19 ng LA.

Abante pa ang Lakers 85-80 pagkatapos ng three pero na-outscore ng Warriors 38-29 sa fourth. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.