Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Curry Finals MVP: Warriors kampeon!

0 98

UWI na naman sa San Francisco ang Larry O’Brien Trophy.

Ibinaon ng Golden State Warriors ang Boston Celtics sa anim na laro, huli 103-90 nitong Huwebes sa TD Garden.

Sa pang-apat na titulo sa huling walong seasons, hindi nabasag ang core ni Steve Kerr kina Stephen Curry, Klay Thompson at Draymond Green. May young guns pa sila kina Andrew Wiggins, Jordan Poole at Gary Payton II, ibinalik din si veteran Andre Iguodala.

Sa unang pagkakataon, Finals MVP si Curry, tinanggap ang Bill Russell Trophy matapos mag-average ng 31 points, 6 rebounds, 5 assists sa series tampok ang 43-point explosion sa Game 4 win na nagbuhol sa 2-2.

“I’m so proud of our group,” emosyonal na pahayag ni Curry matapos umiskor ng 34 sa Game 6. “At the beginning of the season, nobody thought we would be here except everybody on this court.”

Umayuda ng 18 points si Andrew Wiggins, 15 kay Jordan Poole at tig-12 sina Thompson at Green na may 12 rebounds, 8 assists pa.

Nangulelat ang Warriors noong 2020, hindi nakaalpas sa play-in noong isang taon.

“We hit rock bottom with injuries and the long road of work ahead and trying to fill in the right pieces and the right guys,” dagdag ni Curry. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.