Una sa Balita

Curry, Durant, Thompson gustong pilayan ni Rivers

0 316

UUMPISAHAN na ng Golden State Warriors ang paghahabol sa pa­ngatlong sunod na titulo.

Ngayong taon, ibang mukha naman ang magbibigay sa kanila ng sakit ng ulo.
Walang LeBron James sa NBA playoffs sa unang pagkakataon sa huling 14 na seasons.

Umpisa na ng mahaba-habang landasin tungo sa Finals, Linggo (araw sa Manila) sisindihan ng Warriors ang title retention bid.

Apat na laro sa ope­ning day, kabilang ang No. 1 sa West na Golden State kontra No. 8 Los Angeles Clippers.

Tuwing biyahe ng Warriors sa playoffs, diretso sila sa finals. Ginawa nila sa nakalipas na apat na taon, iniuwi ang tatlo. Si LeBron at ang Cleveland Cavaliers lang ang nakasingit.

Pero dadaan din sa butas ng karayom ang Warriors ngayon, nakaharang sa West si scoring champion James Harden at ang Houston. Sinagad ng Rockets sa pitong laro ang Golden State sa West finals noong isang taon.

Pero bago ‘yun, Clippers muna.

“It doesn’t matter who you play in the playoffs, you’re going to get tested. Everybody’s good,” deklarasyon ni Warriors coach Steve Kerr.

Si Doc Rivers, handang isagupa ang Clippers pero may hiling.

“Not just in the first round,” pahayag niya.

Pero dahil andiyan na, bahala na si rookie guard Shai Gilgeous-Alexander.
Aangas din sina Ivica Zubac at Patrick Beverley na nagsabing nasa Warriors ang pressure.

Nakapagbiro pa si Rivers: “If we could take (Stephen) Curry, (Ke­vin) Durant, and (Klay) Thompson away that would be terrific.” (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy