Una sa Balita

Curry, Durant inilampaso ang Kings

By
0 327

BIG night ng Big Three nina Stephen Curry, Klay Thompson at Kevin Durant, at kumalas sa dulo ang Golden State Warriors para iwanan ang Sacramento Kings, 130-125, Biyernes nang gabi.

Ibinaon ni Thompson ang go-ahead 3-pointer 38.5 seconds na lang, nagdagdag ng apat na free throws si Curry sa stretch para kumpletuhin ang panalo na pambawi sa 113-93 loss sa Toronto noong Miyerkoles.

Tumapos si Curry ng 35 points, 7 rebounds at 6 assists. May 27 points at 9 rebounds si Thompson, may 14 rebounds at 10 assists pa si Draymond Green.

“Late in the game we just simplified eve­rything,” lahad ni Durant na kumayod ng 33 points, 8 rebounds at 8 assists. “We were down 10 points in the fourth with three minutes to go, we just simplified it.”

Nagpasabog ng 103 points ang Warriors pagkatapos ng tatlong quarters pero nanlamig sa first 8 minutes ng fourth bago nag-rally para ma-outscore ang Kings 17-2 sa final 3:03.
Naglista si Durant ng 13 points sa fourth quarter kabilang ang walo sa unang 10 ng Golden State sa pangitil na run, bago ang pang-apat na 3-pointer ni Thompson.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy