Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Curry ‘aasawahin’ ng Boston Celtics

0 54

PROBLEMA ng Boston Celtics sa NBA Finals kung paano pipigilin si Golden State star Stephen Curry.

Tabla sa 2-2 ang magkatunggali, basagan muli sa Game 5 ngayong araw.

Inaasahang ang eksplosibong Curry, dahil sa teritoryo niya sa Chase Center sa San Francisco ang laro.

“Steph Curry is pretty good, if you guys haven’t noticed,” paalala ni Boston guard Jaylen Brown. “He can shoot the ball unbelievably.”

Abante pa ang Celtics sa fourth quarter ng Game 4 pero walang naisagot nang mag-take charge si Curry sa dulo tungo sa 43-point performance na nagresulta sa 107-97 win ng Warriors.

Panigurado, coast-to-coast na pababantayan ni Boston coach Ime Udoka ang two-time MVP. Papagurin at babakuran nila ang Warriors star.

Pero kapag na-check si Curry, may Klay Thompson, Jordan Poole, Andrew Wiggins, Jonathan Kuminga pa ang Golden State.

Sa atake, kailangan din nina Celtics main men Brown at Jayson Tatum ang ayuda nina Marcus Smart, Al Horford at Derrick White. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.