Una sa Balita

Curry 2-3 linggong mawawala

By
0 724

Hindi pa nagtatagal sa giyera ang pinaka-astig na Warrior ng Golden State, out na naman.

Katunayan, hindi natapos ni Stephen Curry ang unang laro pagbalik mula right ankle injury.

Sa third quarter ng panalo kontra Atlanta noong Biyernes, nabagsakan ng teammate na si JaVale McGee ang kaliwang tuhod ni Curry. Nakangiwi sa sakit, iika-ikang lumabas ng court si Curry at yuko ang ulo sa pagitan ng mga hita na naupo sa bench. Umiskor siya ng 29 bago ang injury.

Lumabas sa MRI kahapon na inabot siya ng Grade 2 MCL (medial collateral ligament) sprain sa kaliwang tuhod.

Ire-rehab ang injury, aabutin ng mula dalawa hanggang tatlong linggo. Ibig sabihin, April 14 ang pinakamaaga niyang balik – sa umpisa na ng playoffs.

Anim sa walong laro ng team niya nawala si Curry dahil sa right ankle injury.

Wala pa rin sa Golden State sina Kevin Durant (broken rib) at Klay Thompson (broken right thumb), pero inaasahang balik na sa laro ngayon kontra Utah si Draymond Green mula bruised pelvis.

Kasalukuyang nasa No. 2 spot sa West ang Warriors sa likod ng Houston.