Una sa Balita

Curious sa naging sex life ni misis

0 559

WALANG BOLAHAN
Dra. Margarita Holmes

Dear Dra Holmes:
My family is opus dei and I studied in a Catholic school all my life. Even my years in college were at UST. I married my first girlfriend. Why is it I am too keen to know my wife’s sexual experience with her first three boyfriends? For example I want to know how many times they had sexual intercourse? Are they doing oral sex? Who was the best among them? How long did they last? etc.

My wife is not upset when I ask these questions, and neither am i. But I want to now why. Thank you.
RAUL

Dear Raul:
Maraming salamat sa iyong sulat. Hindi ko masasabi ng tiyak ang mga dahilan kung bakit ka mausisa sa sex life ng mi-sis mo. ‘Yan ay dahil hindi naman ako m­anghuhula, dearest Raul, at para masabi ko ito na hindi lang kuro-kuro pero katotoha-nan ang basehan, masyadong maraming oras ang ating gagamitin. Eto ay hindi lang oras para mag-usap, pero para makakuha ka ng psychological tests, para ma-interview ko ang iyong mga magulang, da-ting classmates, atbp.

Related Posts

Ang mga maaaring dahilan ay: wala lang, mausisa ka tungkol sa lahat ng nadaanan ng misis mo at kasama rin dito, pero hindi limitado ang sa sex life niya. Maaari ring, feeling ko ay wala kang masyadong alam tungkol sa sex at ang mga sagot niya sa mga tanong mo ay nakakatulong maging mas malalim ang iyong pag-unawa sa sex. Maaaring na-tutuwa kang magtanong tungkol sa mga bagay na ito na bago ka ikinasal hindi mo maitanong sa kahit sino. Isa pang maaa-ring dahilan ay tumataas ang pagnanasa mo kung kinukuwento ng iyong asawa ang dating mga karanasan niya.

Siguro, ang isa pang puwede kayong dalawa ay maging mausisa ay tungkol sa kung papaano manatili ang inyong katapatan at pagtitiwala sa isa’t isa at kung papaano rin kayo makahanap ng iilan pang mga paraan para magbi-gay saya at sigla sa isa’t isa. Ingat—MG Holmes

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes at sa TONITE tuwing Sabado at Linggo. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy