Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Curfew sa Navotas, 24/7

0 26

Inanunsiyo ng pamahalaang lokal ng Navotas na 24/7 na ang curfew para sa mga menor de-edad na nasa 5 hanggang 17-anyos.

Epektibo ito kahapon, ayon kay Mayor Toby Tiangco dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 nitong mga nakalipas na araw.

Sa ipinalabas na datos ng COVID-KAYA, nagtala ang Navotas ng pinakamataas sa 2-week growth rate o may katumbas na 105% nahawaan ng nakamamatay na sakit.

Bunga nito, nagpasya si Mayor Toby Tiangco na manatili 24-oras sa loob ng bahay at ipatupad ang 24 hours curfew sa mga batang under 18 years old.

Pero nilinaw ng mayor na ito ay para lamang sa mga minors at pinaiiral pa rin ang 12:00-4:00 am na curfew para sa edad 18 pataas. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.