Una sa Balita

Curfew sa Iloilo

By
0 134

Kasunod ng pagsala­kay ng may 50 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Maasin Police Station noong Linggo kung saan pinosasan ang mga pulis at gina­wang get away vehicle ang police patrol, nagpapatupad na ngayon ng curfew sa buong bayan.

Kamakalawa nang ilabas ni Maasin Mayo­r Mariano Malones, ang pagsisimula ng curfew sa ganap na alas-10:00 ng gabi hanggang alas-singko ng madaling-araw.

Pero nilinaw ng alkalde na ang curfew ay para lang sa mga menor-de-edad at hindi saklaw ang mga nagtatrabaho sa gabi at madaling-araw.

Samantala, binatiko­s naman ng Regional Peace and Order Council (RPOC) ang Local Government Unit (LGU) ng Maasin, Iloilo kaugnay sa paglusob ng rebelde sa kanilang police station.

Ayon kay Guimaras Gov. Samuel Gumarin, chairman ng RPOC, nara­rapat na magtulugan ang LGU at mga awtoridad at hindi lang basta umasa sa mga pulis. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy