Una sa Balita

My cup of tea (11)

By
0 564

Ika-8 na labas

“Ba’t n’yo po nasabi e hindi naman ho ako kinukuha ni kapitan para maging tanod?”“Ba’t n’yo po nasabi e hindi naman ho ako kinukuha ni kapitan para maging tanod?

”“Ang slow mo anak, ang ibig kong sabihin palagi ka na lang naka-tanod d’yan sa napupusuan mo, wala ka ng ibang pinagkakaabalahan kundi ang tanuran siya, tumambay sa kanto para abangan siya.

Anong mapapala niya sa’yo, e ‘di ba wala?”“Aray ko naman nang, ang sakit nyong magsalita.”“Sinasabi ko lang ang totoo, kaming mga babae, nagkakainteres kami sa mga lalaking may maipagmamalaki sa buhay.

”“G-gano’n po ba?”“Kaya kung ako sa’yo anak, aba’y mag-isip isip ka.”Nag-isip nga si Jaime at tumingin sa malayo.“Kailangan kong mag-isip ng the best strategy nanang, para hindi tuluyang makuha sa’kin ng mokong na ‘yon si Jhona ko… ano sa tingin mo nanang?”Paglingon ni Jaime ay wala na ang nanang niya sa tabi niya kaya napakamot na lang siya sa ulo.Kinabukasan.

As usual ay tanghali na naman nagising si Jaime at iinat-inat na dumulog sa mesa.“Nanang ano pong almusal?”Walang kibong inilapag ng matanda ang isang tasa ng tsaa sa harapan ng anak.“Ano po ‘to?”“Tsaa.”“Wala na po ba tayong kape?”“Kapeng barako gusto mo?”“Ayoko po, pero ayoko din po nitong tsaa eh…”Naupo si Aling Mileng sa tabi ng anak.“Alam mo bang dahil sa tsaa ay napasagot ako ng tatang mo?” halos pabulong na sabi ng matanda.

“T-talaga po? Pa’no po nang yari?” pabulong din na tanong ni Jaime.“E kasi nu’ng araw sakitin ako… kaya itong tatang mo idinaan sa tsaa ang panliligaw sa’kin, ang sabi niya malaki raw ang maitutulong sa kalusugan ko ng tsaa, na-touch naman ako at napatunayan ko ‘yon sa araw-araw ba naman niyang pagdadala sa akin ng tsaa, nasabi ko tuloy na ‘YOU’RE MY CUP OF TEA! Ayun, akala niya sinagot ko na siya,

e pumayag na rin ako tutal naman mahal ko na rin siya, magpapakipot pa ba’ko?”“YES!”“Anong yes?”“Alam ko na kung paano ko liligawan si Jhona!”“Ano, gagayahin mo ang style ng tatang mo?”“Why not coconut nanang? Malay niyo po, tsaa rin ang maging dahilan para masabi rin sa akin ni Jhona na JAIME, YOU’RE MY CUP OF TEA!”Napapailing na natatawa na lang si Aling Mileng sa anak.Samantala.

Related Posts

Desidido na si Miguel na ligawan si Jhona. Gusto niyang maging masaya sa mga bawat araw pang darating sa buhay niya.Bago pumunta kina Jhona ay dumaan muna siya sa flower shop. Pinili ang pinakamagandang bulaklak na nakita niya. Isang boquet ng pulang-pulang mga rosas.Excited naman si Jaime habang naglalakad papunta kina Jhona.

Bitbit niya ang isang box ng tsaa. May nadaanang mga nakalawit na bulaklak mula sa isang bakod. Nagpalinga-linga muna ang binata bago mabilisang pinitas ang isang kumpon ng bougainvillea.“Ang gaganda nito, siguradong magugustuhan ito ni Jhona my love ko!” inamoy-amoy pa ni Jaime ang pinitas na bulaklak.

Nang biglang may sumigaw mula sa loob ng bakuran “HOY!”Takbo agad ang binata palayo.Daig pa niya ang tumakbo ng malayo sa sobrang bilis ng tahip ng dibdib niya dala ng excitement na maihayag ng seryoso ang saloobin niya sa dalaga.

Pero nang ilang hakbang na lang ang layo niya ay nilukuban agad siya ng disappointment.  Sakto kasing pababa na rin mula sa kotse si Miguel, dala ang isang boquet ng rosas na may maganda pang ribbon.Napatingin siya sa dala niyang bulaklak na pinitas lang niya sa bakod ng may bakod.

Nakaramdam siya ng panliliit lalo na nang magbukas na ng pintuan si Jhona at matamis ang ngiting tinanggap ang magandang bulaklak na iniabot ni Miguel.Kinain ng panibugho si Jaime. Pero buo ang loob niya.

Makikipagsabayan siya kay Miguel. Susugod siya sa giyera maski wala siyang baril. Gagawin niyang bala ang nilalaman ng puso niya para magwagi sa laban. Nagulat pa at napalingon sa pintuan sina Jhona at Miguel nang bumungad mula roon si Jaime.

“O, Jaime, bakit ka nandito, may kailangan ka ba?” tanong ni Jhona.“Ang sakit mo namang magsalita Jhona, pumupunta lang ba ako rito kapag may kailangan ako? Hindi ba pwedeng kaya ako nandito dahil kailangan mo ako?”Nagpigil si Jhona na matawa sa linyang binitawan ng binata. Ganoon din si Miguel na napatingin pa sa dalang bulaklak ni Jaime.

“Okay fine, pero wala akong kailangan sa’yo.” Sagot ng dalaga.Humakbang palapit si Jaime bago muling nagsalita.“Sa ngayon oo, pero darating ang araw, ha­hanapin mo ako dahil kailangan mo ako.”“O sige na tama na ‘yang kailangan kailangan na ‘yan, teka para sa’kin din ba ‘yang bulaklak na ‘yan?” pansin ni Jhona sa bougainvillea.

Magiliw na iniabot ni Jaime ang bulaklak sa dalaga.“Bukod sa napakagandang bulaklak na ito ng bonggangvilla…”“Bougainvillea.” Pagkokorek ni Jhona.“Bonggangbilla, bogeynvilya, parehas rin ‘yon, hindi pa rin mababawasan ang kagandahan ng bulaklak na ito na bagay na bagay sa kagandahan mo, pero bukod dito meron pa’kong isang ibibigay sa’yo na napakahalaga.

”“Ano naman ‘yan?”“Isang box ng tsaa!”“Tsaa?”“Oo, tsaa… at kapag nalaman mo ang lahat ng benepisyong makukuha mo sa pag-inom nito, sigurado akong masasabi mo na rin sa akin sa wakas na, Jaime you’re my cup of tea!”Nagkatinginan sina Jhona at Miguel. (Itutuloy)