Una sa Balita

My cup of tea (11)

By
0 514

Ika-7 na labas

Para lang ma-disappoint dahil si Jaime at hindi si Miguel ang bisita.Para lang ma-disappoint dahil si Jaime at hindi si Miguel ang bisita.

“O, anong ginagawa mo rito?”“Ang saklap naman ng bungad mo, ayaw mo ba akong makita?” kunwa’y may pagtatampo pa sa tinig ng binata.Humalukipkip si Jhona.“Mas masaklap yung isasagot ko sa tanong mo kaya sagutin mo na lang ang tanong ko.

”“Sige na nga…e kumita kasi ako kanina sa pag-dedeliver ng tubig  kina Aling Flor kaya gusto sana kitang ayain na kumain sa labas…”“Ha?”“Kung pwede?”Nag-isip muna si Jhona bago sumagot.“Alam mo kasi Jaime…”Bago pa matapos ang sasabihin niya ay natanaw na ni Jhona ang paparating na sasakyan ni Miguel.

“Jaime kasi, naka oo na’ko kay Miguel, may lakad kami ngayon, ang mabuti pa ibigay mo na lang ‘yang konting kinita mo sa nanang mo, nakatulong ka pa.”“Ano? Ibig mong sabihin may date kayo ni Miguel?” “Date?” nagtatakang singit ni Miguel sa usapan nang makalapit na ito.“Oo, diba may date tayo ngayon?”Sinakyan na lang ni Miguel ang makahulugang tingin ng dalaga na tila nagpapasaklolo.“Yeah, what’s wrong may problema ba?” Hindi na umimik si Jaime.

Related Posts

Naglipat ang tingin nito kina Jhona at Miguel na pareho ring nakatingin sa kanya. Pagkatapos ay laglag ang balikat na tinalikuran ang dalawa at nagsimulang humakbang palayo.Deep inside ay nakaramdam ng awa si Jhona sa binata.

“Jhona, is he bothering you?”“N-no…gusto ko lang na layuan na niya ko.”“I thought he’s your friend?”“Yes…pero gusto niya ko…”“At hindi mo siya gusto right?”Humugot ng malalim na hininga si Jhona bago sumagot.“Oo, tama ka, pasensya ka na ha dinamay pa kita.”“It’s okay, I am also your friend now.

”“Tara sa loob.”Pinaupo ni Jhona si Miguel sa sofa.“Anong gusto mo, juice, softdrink, kape or what?”“Jhona, what if lumabas na lang tayo?”“Ha?”“Pero kung ayaw mo, okay lang din naman.”“Saan naman tayo pupunta?”“May alam akong magandang restaurant, malapit lang.”Tumingin si Jhona kay Julie na nakasilip sa kurtina. Nag thumbs ito bilang pagsang-ayon.“O-Okay, so pa’no magbibihis lang ako.”“Okay.”Sa isang mamahaling restaurant dinala ni Miguel si Jhona.

Ngayon lang nakapasok ang da­laga sa ganitong klaseng kainan kaya naman hindi pamilyar sa kanya ang mga nilalaman ng menu.“Nakapili ka na ba?” tanong ni Miguel.Inilapit ni Jhona ang menu sa binata.“Ikaw na lang ang mamili.”“Okay…”Lahat ng sinabi ni Miguel sa waiter ay hindi rin kilala ni Jhona.

Hanggang sa mai-serve na ito sa kanila.Pero kahit ano pa man ang nakahain sa mesang iyon ay masaya si Jhona. Masaya siya na kasama niya si Miguel. At ang lakad nilang ito ay pwede na sigurong tawaging date.      

                                                                                        Nahalata ni Aling Mileng ang pananamlay ng anak na si Jaime. Nakapangalumbaba ito sa harap ng bintana.“Aba, gaano ba kalalim ang iniisip mo at parang hindi ka na humihinga diyan?”“Nanang naman, humihinga pa ho ako.”“E ano bang bumabagabag sa’yo?”Saglit na nag-isip si Jaime bago sumagot.“Kasi po, si Jhona…”“Sabi ko na nga ba…” napailing si Aling Mileng.“Mukhang nahuhulog na po ang loob niya sa iba…” pagpapatuloy ni Jaime.“Sabi ko na nga ba…” muling sabat ng matanda..“Tingin ko, nauubos na ang pag-asa ko sa kanya…”“Sabi ko na nga ba…”Inis na humarap si Jaime sa ina.“Nanang, mukhang alam n’yo na naman po lahat bakit pa kayo nagtatanong?”“Sinisiguro ko lang.

”“E bakit n’yo nga po ba alam?”“Syempre anak kita, alam ko kung kelan ka malungkot o masaya at meron akong kutob sa kung anuman ang dahilan nito.”“Wow nanang para ka palang si Madam Au­ring!”Naupo si Aling Mileng sa tabi ng anak.“Anak, sino ba namang babae ang magkakainteres sa binatang tanod?”“Sinong tanod nang?”“Sino pa e ‘di ikaw!” (Itutuloy)