Una sa Balita

My cup of tea (11)

By
0 515

Ika-6 na labas

“Sabunot at kurot!”

Lumayo na si Julie at ipinagpatuloy ang pag­luluto ng ulam nila.

Samantala. Sa kuwarto ni Miguel. Mag-isa siyang umiinom ng wine.

Mabigat ang dinadala niyang problema pero sinasarili lang niya ito. Ayaw niyang ipaalam ito maski sa mga magulang at kapatid niya na nasa America.

Mula sa pagkakaupo sa kama ay tumayo siya at namintana hawak ang baso ng wine. Naiisip niya ang maamong mukha ni Jhona.

Bakit ba ngayon lang ito dumating sa buhay niya?… kung kalian gusto na lang niyang maglaho sa mundo…

Sa buong buhay niya ay ngayon lang naging inspirado nang husto si Jhona lalo na sa pag-aaral. Naiisip kasi niya si Miguel. Pakiramdam niya ay nagkaroon agad ito ng pitak sa puso niya. Hindi niya alam kung paano, kung bakit at kung may rason ba ang nararamdaman niya.

“Jhona, kanina ka pa pangiti-ngiti diyan ha!” puna ni Beth na bestfriend niya habang naglalakad sila pauwi galing sa klase.

“Talaga ba? Hindi ko napapansin.”

“Asus, kunwari ka pa, in love ka no?”

“Hindi no.”

“‘Wag mong sabihing si Jaime ang dahilan ng mga ngiting ‘yan?”

“Mas lalong hindi!”

“The more you hate the more you love.”

“Lumang kasabihan na ‘yan.”

“Walang luma o bago sa pag-ibig, ‘pag destiny mo destiny mo.”

“O sige na, aaminin ko na, meron talagang nagpapangiti sa’kin ngayon, pero kaibigan ko lang siya.”
“Talaga?”

Excited na kinuwento ni Jhona sa bestfriend niya ang tungkol kay Miguel. Kinilig naman ito.

Samantala. Sa bahay nina Jaime. Ang nanang na lang niya ang kasama niya sa buhay.

Bata pa kasi siya nang mamatay ang tatang niya.

Mahirap ang buhay nilang mag-ina pero tila pareho na silang kuntento sa kung ano lang ang meron sila.

“Nanang gusto mo bang itimpla kita ng kape?” tanong ni Jaime sa ina na kasalukuyang nananahi sa lumang makina nito.

“Kape? Aba’y gabi na pagkakapehin mo pa’ko.”

“E kasi po sinangag ko itong natira nating kanin, masarap ‘tong ulaman ng kape ‘di ba?”
“Ay teka, diba’t sabi mo’y pinautang tayo ng gulay ni Jhona, ba’t ‘di mo lutuin?”
“Bukas na lang po ng tanghali.”

“Ay sige magtimpla ka na ng kape’t maiulam natin sa sinangag.”
Habang nagtitimpla ng kape ay nilingon ni Jaime ang ina.

“Nanang bukas na ‘yang tinatahi mo, lalong lalabo ang mga mata mo niyan.”

“Sandali na lang naman ito. Bukas ng umaga kukunin na ito ng ninang mo, dapat matapos ko para makuha ko rin agad ang bayad.”

“Gano’n po ba, sige mamaya tutulungan ko kayo diyan.”

“Hay salamat naman. E Jaime, ikaw ba eh wala pang balak maghanap ng trabaho?”
Natigilan si Jaime. Saglit na nag-isip.

“Naghahanap naman po ako nanang eh, sad­yang mahirap lang talaga makahanap ng trabaho ang walang natapos.”

“Dasal at tiyaga lang anak, pasasaan ba’t makakasalubong mo rin ang suwerte.”

Sa paglipas ng mga araw ay lalo pang luma­lakas ang damdaming umuusbong sa mga puso nina Jhona at Miguel.

“Miguel!” gulat ang dalaga sa pagsulpot ng binata sa puwesto nila sa palengke. Kumabog agad ang dibdib niya.

Related Posts

“So, dito pala ang pwesto n’yo.” Nakangi­ting anito.

Ipinakilala ni Jhona si Miguel sa mga magulang na kasama niyang nagbabantay doon.
“Nice to meet you po.”

“Nice to meet you din iho.” Halos sabay na tugon ng mag-asawa.

“Miguel , pasensya na ha, hindi kita mahaharap dito kasi nagtitinda pa kami eh.”

“It’s okay Jhona, napadaan lang naman ako, actually I was with Manang Berta, nandoon siya sa vegetable section.”

“Ah, oo nga pala, sa’yo na nga pala ulit nakatira si Manang Berta.”
“So pa’no, I’ll go ahead na rin.”

“Okay, bye.” Nakangiting tugon ng dalaga.

Nagpaalam na rin si Miguel sa mga magulang ng dalaga matapos nitong bumili ng karne, pero muli itong pumihit pabalik.

“O, may nakalimutan ka?” tanong ni Jhona.

“Ah, I just wanna ask if pwede akong pumunta sa inyo some other time?”
Hindi agad nakasagot ang dalaga.

“Jhona?”

“O-Okay, sige okay lang. Text mo lang ako ‘pag pupunta ka.”

“Okay, thank you!”

Saka ito tuluyang umalis bitbit ang ngiti sa labi dahil sa pagpayag ng dalaga.
Sabado.

Napansin ni Julie na panay ang ikot ni Jhona sa harap ng salamin. Nilapitan niya ito.

“Teka nga muna, nahihilo ko sa’yo eh, may lakad ka ba?”

“Wala naman, bakit?”

“Iyon na nga eh, nakapangbahay ka lang naman pero kanina ka pa tsek ng tsek sa sarili mo sa salamin, anong meron?”

Ngumiti si Jhona bago sinagot ang kapatid.

“Dadalaw daw kasi si Miguel dito sa bahay.”

“Dadalaw? Sinong may sakit?”

“Nagpapatawa ka ba?”

“Hindi, pero natatawa ako sa’yo.”

“Bakit na naman?” iritang tanong ni Jhona.

“E sa tingin mo ba talaga type ka ni Miguel?”

Ngiti lang ang isinagot ni Jhona.

“Wala ba siyang gf or baka naman wife?” hirit pang tanong ni Julie.

“Wala naman akong nakita sa FB niya.”

“Alam mo marami ng nabibiktima ang FB kaya kung ako sa’yo be wise te!”
Nameywang si Jhona at humarap sa kapatid.

“Teka nga muna, ba’t ba parang kontra ka?”

“Concern lang ako sa’yo, alam ko naman kasi na wala ka pang nagiging boyfriend.”

“Nagsalita ang nagkaroon na!”

Naputol ang asaran ng magkapatid nang may kumatok sa pintuan.

“Baka siya na.” kabadong sabi ni Jhona.

Nakipag-unahan pa siya sa kapatid sa pagbubukas ng pinto. (Itutuloy)