Una sa Balita

My cup of tea (11)

By
0 583

Ika-3 na labas

“Alam mo kung wala kang magandang sasabihin iwanan mo na lang ako please?”
“Bakit, pangit ba yung tanong ko? Ang ganda kaya nitong kotse mo bagay na bagay sa kagandahan mo!”

Natanaw na ni Jhona ang binatang may-ari ng kotse na pabalik kasama si Manang Berta.
“O ayan na ang may-ari.”

Napatingin rin si Jaime.

“Si Manang Berta?”

“Shunga, yung kasama niya.”

Nang makalapit ang binata ay agad nitong kinamayan si Jhona.

“Thank you, thank you so much. By the way I’m Miguel.” Anito.

Nakipagkamay si Miguel sa dalaga na sinundan ng tingin ni Jaime.

“I’m Jhona and you’re welcome, h-hindi pa dumating yung hinihintay mo na gagawa nito.”

“Yeah, kaya nga ako bumalik kasi I received call from him na baka matagalan pa siya kasi ma-traffic kaya kung pwede raw na humanap na lang ako ng ibang gagawa. And my yaya, Manang Berta told me na meron siyang kakilala.”

“Oo Jhona, si Ka Pedring, diba marunong ‘yon?” ani Manang Berta.

Sumingit naman si Jaime.

“Manang Berta, wala po si Ka Pedring diyan, umuwi sa anak niya sa probinsya, pero, pero may isa-suggest ho ako na magaling gumawa ng mga sira ng sasakyan, kahit na limousine pa ‘yan!”

Nagkatinginan sina Manang Berta at Jhona sabay tanong…

“Sino?”

“Ehem! Sino pa,e di AKO!”

“IKAW?” halos sabay ulit na sabi ng dalawang babae.

“Really?” tila hindi naman makapaniwalang tanong rin ni Miguel.

“Bakit wala ba sa itsura ko?”

“Wala.” Diretsong sagot ni Jhona.

“Okay, patutunayan ko sa inyo, kapag nagawa ko ‘yan, bayaran mo ako ng malaki dude, pero, pero kapag hindi ko ‘yan nagawa ako pa mismo ang magbabayad sa’yo at pati pag-ibig ko sa dalagang ito itataya ko!”

Kasabay ng pagkunot ng noo ni Jhona ang pagtawa ni Miguel.

“Okay, that’s a deal. Pero huwag na nating idamay ang girlfriend mo.”

“Girlfriend? Hindi niya ko girlfriend no, very single ako!” apela agad ng dalaga.
“Ito naman, minsan lang mapagkamalan sinopla pa!” nagmamaktol na sabi ni Jaime.

Dahil hinamon kaya kuha agad ng gamit si Jaime para sa pagkukumpuni ng sasakyan. Sa harap mismo nina Miguel, Manang Berta at Jhona ay kinilatis niyang mabuti ang kotse at saka ito inumpisahang yariin. Makalipas ang halos isang oras na pagkalikot sa sasakyan ay pawisang huminto si Jaime at pinasubukan kay Miguel kung mapapaandar na ito.

“Wow! This is great!” ani Miguel na nanlalaki ang mga mata sa tuwa nang mag start ang makina.

“See? I am a great car doctor!” biro ni Jaime sabay kindat kay Jhona.

Related Posts

Palihim namang humanga ang dalaga pero wala siyang balak na ipahalata ito.

“Paano mo naman natutunan ‘yan?” tanong ni Manang Berta na hindi rin makapaniwala.

“Simple lang Manang Berta, inaaral ko lahat ang ginagawa ng tyuhin ko sa vulcanizing shop niya at pagrepair repair din niya ng mga jeep, tricycle at pati mga mamahaling sasakyan.”
“E bakit kaya hindi ka magtrabaho sa kanya para magkaroon ka naman ng silbi.” Nang-aasar na komento ni Jhona.

“My love, hindi pa panahon para magpatali ako sa isang trabaho, dapat marami muna akong masubukan para malaman ko kung saan talaga ako mas nababagay.”

“Ayos din ang pananaw mo no?”

“Ayos talaga, so, pa’no dudes, how much is the pay?” baling nito kay Miguel.
“Here!” sabay abot ni Miguel ng isang libo kay Jaime.

“Are you sure?” dudang tanong ni Jaime.

“Yes.”

Naiiling naman si Jhona pero natutuwa na rin siya para kay Jaime.

Gabi. Nagpapahinga na ang mga magulang nila ay sige pa sa pagkukuwentuhan ang magkapatid na Jhona at Julie. Magkasama sila sa iisang kuwarto.

“Grabe no, may talent din pala ang oppa boy na ‘yon.” Natatawang sabi ni Julie habang nagbabasa ng pocketbook sa sariling papag na sinapinan ng comforter.

“Nagulat nga rin ako eh, pati si Manang Berta.” Sagot naman ni Jhona na cellphone naman ang hawak at nagba-browse sa newsfeed ng fb niya.

Binitawan ni Julie ang binabasa.

“Speaking of Manang Berta, kaanu-ano raw ba niya yung Miguel?”

“Dati raw niyang alaga. Nung manirahan ang pamilya sa America e naiwan na siya dito sa Pinas. Tapos bumalik ngayon dito si Miguel para dito magtayo ng negosyo, tapos hinanap niya si Manang Berta na 10 years na niyang hindi nakita kasi gusto niya ulit na kunin ang serbisyo nito.”

“Bilang yaya niya?”

“Bilang kasambahay, kasi siya lang naman ang umuwi, yung mga magulang niya at kapatid mas pinili na mag-stay dun sa malayong bansa.”

“Ah, e saan naman daw nakatira itong Miguel?”

“Dito rin sa Bulacan…ewan ko lang kung saan banda …”

“Pero infairness ha, ang dami mo agad alam, interesado ka no?” biro ni Julie.

Tinapunan ni Jhona ng tingin ang kapatid bago sumagot.

“Not really, pero kung isang tulad niya ang manliligaw sa ‘kin e mga 80% ang pag-asa niya!”

“Naks naman, e ilang percent naman ang kagaya ni Jaime?”

Napakunot noo si Jhona at saglit na nag-isip.

“Hmm, siguro yung tirang 20%”

“Ang hard! 20% versus 80%!” natatawang tugon ni Julie.

Lingid kay Julie ay natagpuan rin ni Jhona sa wakas ang kanina pa niya sine-search sa facebook. Ang account ni Miguel. At hindi maiwasang mapangiti ng dalaga.

Nagulat pa si Jhona nang maya-maya lang ay makatanggap siya ng friend request mula kay Miguel. Agad niya itong ini-accept.

Samantala. Napasimangot naman si Jaime na naka-online din ng mga sandaling iyon. Nakita niya kasi na friend na sa facebook sina Jhona at Miguel. (Itutuloy)