Una sa Balita

My cup of tea (11)

By
0 581

Ika-2 na labas

“‘Wag kang magsalita ng tapos, people change, malay mo si Jaime pala ang destiny mo na mag-aahon sa’yo sa hirap!” natatawang sabi ni Julie.

“Hah! ‘Yan ang imposible!”

“Malay mo nga lang eh.”

“Puro ka malay mo, malay mo kurutin kita kasi sinisimplehan mo ang paninda natin, nakapagbukas ka agad ng chichirya!”

“Isa lang naman.”

Naputol ang asaran ng magkapatid nang isang magarang kotse ang huminto di kalayuan sa tindahan nila. Bumaba ang isang gwapong binata na naka white polo, black pants at black shades.

Nagpalinga-linga ito bago binuksan ang harapan ng sasakyan saka napailing. Dinukot ang cellphone sa bulsa ng pants at may kinausap.

Nanghaba naman ang leeg ni Julie sa pagtingin.

“Te, ang gwapo ng fez, tingin mo ba bagay kami?”

“Heh! Tingin ko nasiraan siya.”

“At masisiraan din ako kapag hindi ko siya nakilala!”

Lalabas sana ng tindahan si Julie pero nahagip ni Jhona ang laylayan ng t-shirt niya at napigilan siya.

“Dito ka lang, ‘wag kang haliparot!” inis na sabi nito sa kapatid.

“Tatanungin ko lang naman kung need niya ng help eh.”

Kung kailangan niya ng tulong e di sana lumapit na ‘yan dito at nanghingi ng tulong.”

Pagkasabi no’n ni Jhona ay humakbang nga palapit sa kanila ang lalaki.

“Sabi ko sa’yo kailangan niya ng tulong eh!” ani Julie.

Related Posts

Nang makalapit ang binata ay agad itong nagtanong.

“Hi! Pwede bang magtanong?”

Tumango ang magkapatid.

“I just want to know kung malapit na ba rito yung bahay ni Manang Berta?”

“Ah si Manang Berta, oo, yung unang kanto na madadaanan mo sa kanan, yung tinutumbok na bahay, kay Manang Berta ‘yon.” Nakangiting tugon ni Jhona.

“Okay, thanks ladies.”

Nang tumalikod na ang lalaki ay binewangan ni Julie ang ate niya.

“Wow ha, wag daw akong haliparot e inunahan mo pa talaga ako sa pagsagot.”

“Ang bagal mo kasi natutulala ka kaya!” natatawang sabi ni Jhona.

Nang biglang pumihit pabalik ang lalaki.

“Ladies, pwede bang pakibantayan nyo ang car ko, nasiraan kasi ako but anytime soon darating na yung tinawagan ko para gawin yung sira. And of course I’ll pay you.”

“No, I mean, no need to pay, sige babantayan na lang namin.” Maagap na sagot ni Jhona.

“Really? That was nice. Sige, I’ll go ahead na.Thank you again.”

Nakalayo na ang binata ay hindi pa rin matapos ang magkapatid sa pagdidiskusyon.

“Naku ikaw ang umoo e di ikaw ang magbantay, dito na lang ako sa tindahan.” Ani Julie.

“Pero kung may bayad mabilis ka pa sa alas singko!”

“Kainis ka nga eh, may bayad na sana hinarang mo pa, pera na naging kawang gawa pa.”

“Ewan ko sa’yo, oo na ako na ang magbabantay, hindi naman siguro magtatagal at darating din yung tinawagan niya. Yung paninda natin ha, ‘wag mong reydin!” paalala pa ng dalaga sa kapatid na mahilig mangukot ng paninda nila.

Ilang saglit pa lang binabantayan ni Jhona ang sasakyan nang dumating si Jaime.

“Wow Jhona, tumama ka ba sa lotto?”
(Itutuloy)