Una sa Balita

My cup of tea (11)

By
0 513

Ika-10 na labas

 

“Jhona, okay ka lang ba?”

Tanong ng nanay niya nang mapansin ang paghawak niya sa tiyan habang inaayos nila ang mga pambentang karne.

“P-parang hindi po ‘nay… biglang sumakit ang tiyan ko eh…”“Buti pa mag-cr ka muna.”

“H-hindi po ako nadudumi… parang iba ang sakit eh…”

“Ha? E, gusto mo bang dalhin na kita sa doctor?”Napahinto si Jhona sa ginagawa at napangiwi sa sakit na nararamdaman.

Hindi na hinintay ni Aling Juana ang sagot ng anak, nagpatawag agad siya ng tricycle para madala sa doctor si Jhona.Ilang saglit lang ang lumipas ay nasa ospital na si Jhona. Agad naman siyang napuntahan ng kapatid na si Julie.Samantala. Parehong on the way sina Miguel at Jaime sa ospital, kapwa nag-aalala sa nangyari sa dalaga. Nalaman iyon ni Jaime dahil sinabi ng isang kakilala na galing sa palengke. Nalaman naman ni Miguel nang si Julie ang makasagot sa tawag niya kay Jhona.

“Ngayon pa talaga ako mata-traffic?” inis na bulong ni Miguel sa sarili.Dahil traffic nga ay naisipan ni Jaime na bumaba na lang sa jeep. Pinuntahan niya ang isang kaibigan at nanghiram ng bisikleta.Si Miguel naman ay naghanap ng mapaparadahan ng kotse at naisipang maglakad na lang. Nang malampasan ang traffic ay saka sumakay ng taxi.Naunang dumating ng ospital si Jaime. Hinanap agad ang room ni Jhona.

“Jhona!”

Nagulat pa si Jhona nang makita si Jaime.Ganoon din si Julie.“A-anong ginagawa mo rito?”“`Yan na lang ba ang itatanong mo sa’kin palagi sa tuwing makikita mo ko?”

“E anong gusto mong sabihin ko?”

Nag-isip ang binata habang humahakbang palapit sa dalagang nakahiga sa hospital bed.

“Ahm, mas ok sana kung sasabihin mong, salamat dumating ka na…”

“Bakit hinihintay ba kita?”Napakamot sa ulo si Jaime.

“Oo na sige na,wala talaga akong panalo sa’yo, kumusta ka? Ano bang nangyari sa’yo?”

“Wala naman, okay na ‘ko bukas lalabas na rin ako. Sumakit lang ng matindi ang tiyan ko.”

“Baka may nakain ka lang o nainom?”

“Hindi kasi ako nag-almusal kaninang umaga, tapos uminom ako ng chocolate drink na bigay ni Miguel…hindi siguro nakasundo ng tiyan ko kaya ganun ang nangyari…”

“Ano? Sinasabi ko na nga ba walang maidu­dulot na maganda sa’yo ‘yang Miguel na ‘yan!”“Jaime, pwede ba ‘wag kang OA!”

“Nag-aalala lang naman ako sa’yo eh…”Pagkasabi niyon ni Jaime ay napangiti si Jhona.

Akala ni Jaime ay natuwa ito sa sinabi niya pero na-disappoint siya nang lumampas ang tingin at ngiti ni Jhona sa kanya patungo kay Miguel na nasa pintuan na pala.

“Miguel!” masayang bati pa ng dalaga.

“Julie told me that you were here, nag-worry ako.”Lumapit si Miguel at nagkatabi sila ni Jaime.

“Okay na ‘ko, actually lalabas na rin agad ako bukas.”

“Nagmamadali akong pumunta rito kaya hindi na ako nakabili ng pasalubong, but I contacted my friend na may prutasan at siya mismo ang magde-deliver ng fruits dito and also a bouquet of flowers.” Ani Miguel.

Related Posts

“Ako rin Jhona, nagpa-deliver din ako!” singit ni Jaime.“Ng bulaklak at prutas?” tanong ng dalaga.“Hindi…ng tubig, yung mineral, alam mo, dapat kasi hindi ka basta-basta umiinom ng mga energy drinks lalo na `pag chocolate ang flavor!”

“Nagpaparinig ka ba?” kunot noong baling sa kanya ni Miguel.“Hindi ah! Nagsasabi lang ng totoo.” “What truth, na hindi mabuti yung chocolate drink na binigay ko kay Jhona?”

“Miguel, ano pa bang hindi malinaw sa’yo, nandito nga siya sa ospital dahil don diba?”

“Maybe because ininom niya yun ng walang laman ang tiyan niya or maybe there’s some other reason.”

“So may proseso pala ang pag-inom no’n, ano sa tingin mo yung other reason?”Hindi na nakatiis si Jhona.

“Guys, stop it okay?

”Huminto naman ang dalawa.

“Buti pa, umuwi na lang muna kayo pareho, kasi okay na naman ako eh. Salamat sa pagdalaw ninyong dalawa.”Nagpalitan ng makahulugang tingin ang dalawang binata bago halos sabay na nagpaalam sa dalaga.Si Julie ay tatawa-tawa lang sa isang sulok.

“Hoy may nakakatawa ba?”“Medyo. Kasi naman yung dalawang ‘yon parang mga tungak, lalo na ‘yang Jaime mo haha!”“Wala namang may gustong maospital ako, hindi naman nila kailangan magtalo.”

“E kasi nga pareho silang papogi!”

Hindi na kumibo si Jhona.Gabi.Nilapitan ni Aling Mileng ang anak na nakapamintana na naman.“O, iniisip mo na naman siya?”

“Opo.”

“Hindi ba umepekto ang tsaa?”

“Paano po eepekto e hindi naman yata niya ininom, kasi ang ininom niya yung special na bigay ni Miguel, kaya ayun naospital tuloy siya.”

“Kumusta nga pala siya, ‘di ba dinalaw mo siya kanina?”

“Okay naman na po ang lagay niya.”

“Anong plano mo anak?”

“Plano?” ulit ni Jaime sa tanong ng ina at nilingon pa ito.

“Oo, plano.”

“Plano ko pong dalhan ulit siya ng tsaa hanggang sa makulitan siya sa ‘kin at sagutin na niya ko.

”Napailing si Aling Mileng.

“Iyan talaga ang plano mo?”

“Wala na akong ibang maisip ‘nay eh…”

“Alam mo kung anong magandang plano ang naiisip ko para sa’yo?”

“Ano po?”

Binatukan ni Aling Mileng ang anak.

“Nay ba’t n’yo po ako binatukan!” nagtataka pang tanong ni Jaime. (Itutuloy)