Una sa Balita

Cubao-Makati trip 5 minuto na lang sa lockdown

0 737

Nagkaroon na ng katuparan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na limang minuto lang ang biyahe mula Cubao, Quezon City hanggang sa Makati.

Sa tweet ni dating Cavite Rep. Gilbert Remulla, 5 minuto na lang ang biyahe ngayon mula Cubao hanggang Makati dahil halos wala nang sasakyan sa EDSA bunga ng pinatupad na mass transportation ban kaugnay ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

“Duterte campaign promise fulfilled: 5 minutes from QC to Makati now possible” tweet ni Remulla na may hashtag pang #humorinthetimeofcovid-19.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More