Una sa Balita

Cuban hitter Alvarez kabogera ng Cignal

0 302

MAGPAPALIT ng ­reinforcement player ang Cignal HD Spi­kers para sa darating na Philippine SuperLiga Grand Prix 2020 na magsisimula sa Pebrero 29.

Asahan ang pag­hambalos na ibibigay ni Cuban spiker ­Jennifer Yanet Alvarez, na papalitan si Yaasmeen Bedart-Ghani na unang napili bilang import ng koponan.

“Cuban outside hitter si Jennifer Alvarez ang ­magiging import naming,” kumpirma ni Cignal assistant head coach Shaq Delos Santos.

Ibinahagi ni Shaq na conflict sa sche­dule at outbreak ng COVID-19 ang na­ging dahilan kung bakit kinailangan nilang palitan si ­Bedart-Ghani.

“Need namin sa team ng outside ­hitter and I think mas mama-maximize namin ang strength at kaya gawin ng import kung nasa outside position siya. So ‘yun, mas mataas ‘yung percentage,” aniya. (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More