Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cu matikas

0 205

Nakapagtala ng magkasunod na panalo si National Master Ivan Travis Cu ng Pilipinas matapos pataubin si Luka Kiladze ng Georgia sa FIDE Online Rapid World Cup Cadets & Youth-Open 12 and under online chess championship virtually na ginaganap sa Tornelo Platform.

Sumalo sa fifth spot si 12-year-old Cu matapos itulak ang 34 moves ng Modern Benoni Defense upang kalusin si Kiladze sa sixth round.

Nakalikom si Cu ng limang puntos, kapareho nina Reja Neer Manon ng Bangladesh, Emmanuel Dentchouk ng USA, Rajkhowa Mrinmoy ng India, Emir Sharshenbekov ng Kyrgyzstan, Yu Tian Poh ng Malaysia, Kshatriya Nitin Vekhande ng India, Nikolaos 44725 Sitsanis ng Greece, Leo Lin ng Canada at Aliaksandr Hvozdz ng Belarus.

Unang pinabagsak ni Cu si Leonid Efimov ng Russia matapos ang 27 moves ng English Opening sa fifth round sa event na sinalihan ng may 200 players. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.