Una sa Balita

CSC official, inambus

By
0 126

Isang opisyal ng Civil Service Commission (CSC) ang napatay matapos pagbabarilin ng dalawang riding-in-tandem sa Tuguegarao City kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si Atty. Neil Agustin, ang regional director ng CSC sa Cagayan Valley na nagtamo ng ilang tama ng bala ng baril sa ulo at katawan habang sugatan naman ang kanyang personal aide na si Randolf Castaneda.

Ayon sa ulat ng Tuguegarao police, alas-5:30 ng hapon nang tambangan ng apat na armadong kalalakihan ang mga biktima na sakay sa kotse sa bahagi ng Gonzaga road Extension sa Barangay Centro 10.

Magka-angkas umano ang apat na suspek sa dalawang motorsiklo at pawang naka suot ng bonnet at sombrero na magkahiwalay na tumakas matapos isagawa ang krimen.

Napag-alaman na patungo sana sa kanyang tahanan sa probinsya ng Isabela ang biktima nang mangyari ang insidente. ()

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy