Una sa Balita

Crystal Gazer

0 201

ARIES (March 21-April 19) – Nagha­hanap ka ng excitement at mahirap kang makuntento habang ­hindi napagbibigyan sa ­gusto mong gawin. Iwasan ­lamang na ­magkabangga ang posisyon mo at ng iyong partner. Lucky number for today: 44

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi ­masamang gawin ang isang adventure na ­matagal mo nang ­gusto. Isang dating damdamin ang muling ­mabubuhay at ang ­inaakala mong wala na ay ­muling ­maibabalik. Lucky ­number for today: 16

GEMINI (May 21-June 20) – Mataas ang posibilidad ng isang bagong romansa. Mas lulutang din ang iyong karisma kaya marami ang handang makinig sa mga ideyang ­magmumula sa iyo. Lucky number for today: 4

CANCER (June 21-July 22) – Ito ang pagkakataon para ­makapagsaya kasama ang iyong mahal sa ­buhay at mga ­kaibigan. Mas ­magiging ­makulay ang ­takbo ng iyong lovelife at ­nakikiayon ang lahat ng pangyayari para sa iyo at sa mahal mo. Lucky number­ for today: 12

LEO (July 23-August 22) – Magdudulot ng pagkairita ang ilang ­maliliit na isyu. ­Kailangan mong mairelis ang mga kinikimkim na inis. Pero iwasang makapagbitiw ng masakit na salita na mahi­hirapan kang ­bawiin. Lucky number for today: 42

VIRGO (August 23- September 22) – Nasa lovelife ang ­focus ng araw na ito. Mas ­magiging ­malalim din ang koneksyon mo at ng isang kaibigan. May posibilidad­ ang isang pagbibiyahe. Lucky number for today­: 13

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Isang imbitasyon ang mahirap tanggihan. May ­hatid na saya ang gabi kasama ang mga ­kaibigan. Isang lakad na hindi pinagplanuhan ang ­magiging pokus ng iyong gabi. Lucky number for today­: 20

SCORPIO (October 23-November 21) – Ito ang tamag oras para ibasura na ang mga ­emosyunal na ­bagaheng nagpapabigat lamang sa iyo. Move on ­dahil walang idudulot na ­positibo ang mga basura ng buhay. Lucky number for today: 11

SAGITTARIUS (­November 22- ­December 21) – Mas mae-enjoy mo ang araw na ito. May ­matatanggap ka ring pagkilala na ­matagal mo na ring ­inaasam mula sa isang ­espesyal na ­indibidwal. Ang gabi ay ­maghahatid ng bagong saya sa ­romansa. Lucky number for today: 43

CAPRICORN (December 22-January 19) – Wag katakutan ang ­lahat ng posibilidad. Bago ­tuluyang ibasura ang isang opsyon, subukan muna ito at ­magugulat ka pa dahil kayang-­kaya mo pala ang iyong ­kinatatakutan. Lucky number for today: 2

AQUARIUS (­January 20-February 18) – Magandang araw ito para sa romansa. Ang mga nanlalamig na ­relasyon ay ­ngayon makaka­bawi. ­Hindi ­masamang gawin ang mga bagong ­adventure na alam mong magpapasaya sa iyong mahal. Lucky number for ­today: 10

PISCES (February 19-March 20) – Marami­ ang nangangailangan ng iyong atensyon ngayon. Nasa mood ka ring para maging mas agresibo at mas malakas ang loob sa mga bagong gimik kasama ang mga kaibigan. Lucky number for today: 18

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy