Una sa Balita

Horoscope 11/08/19

0 340

Happy birthday
GARDON RAMSAY

SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi mo kailangan ng yaman at pag-aari para maisakatuparan ang gusto mo. Kailangan mo lang ay kumilos at ibigay ang siyento por ­siyentong ­effort. Lucky number for today: 47

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Ano ang totoong gusto mo sa buhay? Ikaw lamang ang makakasagot niyan sa iyong sarili. Sa ngayon, gawin lamang ang nakapagpapasaya sa‘yo. Lucky number for today: 26

CAPRICORN (December 22-January 19) – May mga taong hindi kayang ­kontrolin ang ­damdamin. Tama ang iyong ginagawa na ­maging mahinahon at hayaan sila sa maling ­ginagawa. ­Hindi mo sila dapat pantayan sa ­kanilang ­pagpapakababa. Lucky number for today: 51

AQUARIUS (­January 20-Fe­b­ruary 19) – Ang mga pangyayari ay hindi­ umaayon sa iyong kagustuhan. Pero ang mga ito ang may dahilan. Kumilos nang nararapat para maiwasan ang mga pagkakamali. Lucky number for today: 42

PISCES ­(February 19-March 20) – Natural lamang na humanga sa mas ­nakakataas ang ­posisyon sa iyo. May sariling kang ­talento gawin silang ­inspirasyon at huwag silang gayahin. Lucky number for today: 50

ARIES (March 21-April 19) – ­Panahon na para simulan ang pagbabago. ­Kailangang ­kumilos na ngayon para makamit ang ­pagbabagong magaganap. Ang patuloy na ­pagdadalawang-isip ay hindi makakatulong. Lucky number for today: 16

Related Posts

TAURUS (April 20-May 20) – ­Naniniwala kang may tinatago sa iyo ang iyong kasama sa buhay. Hindi masamang sabihin sa ­kanya ang iyong nararamdaman at nang kayo’y ­magkapaliwanagan. Iwasan lamang na ­maging masyadong emosyunal para maiwasan ang ­pag-aaway. Lucky number for today: 27

GEMINI (May 21-June 20) – Ngayon ay tila bituing nagniningning ka sa paningin ng iyong partner. Magbigay ng oras para sa sarili­ at ­makipag-usap sa mga taong magpaparelaks sa iyo tulad ng mga kaibigan sa kabila ng ­pagiging abala. Lucky number for today: 44

CANCER (June 21-July 22) ­– Hindi mo ­dapat takasan ang problema. Kailangang ­harapin ito at mareresolba rin ang lahat. Sa patuloy na pang-iiwas sa isang isyu lalo ­lamang itong pinapasok nang komplikasyon. Lucky number for today: 31

LEO (July 23-August 22) – Nararamdaman mo na hindi sapat ang oras na inilalaan sa iyo ng kapareha. Huwag mag-alala sapagkat ito ay pagdududa lamang na hatid ng iyong ­insecurities. Hindi mo puwedeng kontrolin ang lahat ng oras ng ibang tao. Lucky number for today: 55

VIRGO (August 23-September 22) – ­Pakinggan ang sinasabi ng iba at isama na rin ang iyong kutob. Balansehin ang mga ­nakukuhang impormasyon. Kailangan ng ­diskarte para makamit ang tagumpay. Lucky number for today: 7

LIBRA (September 23-October 22) – Maglakbay at makihalubilo ang dapat mong gawin ngayon. Hindi lahat ay gustong ­sumama sa mga plano mo kaya huwag silang pilitin. Lucky number for today: 58

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy