Una sa Balita

Horoscope 11/09/19

0 361

SCORPIO (October 23-November 21) – Madadala sa mahinahong usapan ang mga bagay-bagay. Kailangan ang diplomasya para mapasunod mo ang ilang tao sa gusto mong mangyari. Lucky number for today: 28

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Gusto mong maghangad ng mas mataas pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay makukuha ang gusto mo. Sa pagkakataong ito, maging matalino at abu­tin lamang ‘yung mas madaling abutin. Lucky number for today: 56

CAPRICORN (December 22-January 19) – Huwag mag-alala kung nawawalan ka na ng interes sa nakagawian mong gawin. Ito ay sen­yales lamang na ikaw ay nagma-mature na at handa na sa anumang pagbabago. Lucky number for today: 46

AQUARIUS (January 20-February 19) – Akala mo ay kaya mong pagsabay-sabayin ang lahat ng iyong gawain. Hindi ito mangyayari kung hindi matututukan nang husto ang mga prayoridad. Lucky number for today: 57

PISCES (February 19-March 20) – Mag-ingat sa mga taong gusto kang kumbinsihin sa isang proyekto. Hayaang sila na lamang ang sumugal dito pero hindi gamit ang iyong sariling pera. Lucky number for today: 8

ARIES (March 21-April 19) – May isyu na dapat harapin nga­yong linggo tungkol sa negosyo o anumang pinansyal na tran­saksyon. Kailangang kumilos agad at tapusin ang isyu at huwag ipagwalang bahala. Lucky number for today: 30

Related Posts

TAURUS (April 20-May 20) – Sa kabila ng sasabihin ng ibang tao ay huwag isasakripisyo ang gusto mong mangyari. Sa mga ganitong pagkakataon, puwedeng pagsabayin ang oras para sa sarili at ang iyong trabaho. Lucky number for today: 29

GEMINI (May 21-June 20) – Huwag sa­yangin ang oras para lamang makiayon sa plano ng ibang tao. May sarili kang kakayahan kaya linawin sa lahat na hindi ka tau-tauhan lamang. Lucky number for today: 2

CANCER (June 21-July 22) – Paghusa­yan pa ang pakikisama lalo na sa trabaho. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang katangian kaya dapat ay maging bukas ang pag-iisip sa kaiba­han ng bawat nakakasama mo. Lucky number for today: 15

LEO (July 23-August 22) – Hindi mo kailangang pilitin ang ibang tao na magbago. Sa simula ay susunod sila sa gusto mo pero sa kalaunan ay mahihirapan sila sa nais mo kung dinadaan mo sa pilitan ang lahat. Lucky number for today: 33

VIRGO (August 23-September 22) – Kailangan mo ng kumpiyansa sa sarili lalo na sa pakikiharap sa iba. Magmasid-masid dahil marami kang matututunan sa ibang tao at ganundin sila sa ‘yo. Lucky number for today: 30

LIBRA (September 23-October 22)– Hindi ka mananalo sa laban mo ngayon. Umatras muna lalo na kung ang kaharap mo ay mga indibidwal na laging gusto ay sila lamang ang tama. Dumistansya sa anumang tensyon. Lucky number for today: 10

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy