Una sa Balita

Horoscope 11/06/19

0 358

SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi maganda ang aspetong pinansiyal at ito’y dahil sa pagpapabaya. Matuto sa mga nagdaang sitwasyon nang hindi na maulit pa ang maling desis­yon. Lucky number for today: 51

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May mga taong susubukan na ikaw ay lokohin. Ipaalam sa kanila na hindi sila uubra dahil sa simula pa lang ay alam mo na ang kanilang intensyon. Lucky number for today: 1

CAPRICORN (December 22-January 19) – Naging masipag ka sa mga nagdaang araw pero kakaunti ang tagumpay na nakamit. May ibang bagay na dapat namang ipagpasalamat. Bigyan ng oras ang sarili na magpahinga nang hindi magkasakit. Lucky number for today: 32

AQUARIUS (January 20-February 19) – Naging simple man ang mga nagdaang araw, ngayon ay magiging kumplikado ang sitwasyon sa dami ng iyong ginagawa. Sikaping gawing simple ang mga bagay-bagay nang hindi mawala sa iyo ang kontrol ng anumang sitwasyon. Lucky number for today: 16

PISCES (February 19-March 20) – Kilala ng mga taong nasa paligid mo na mapagkakatiwalaan ka pagdating sa kanilang mga sikreto at problema. Tumulong sa abot ng makakaya pero may pagkakataon na kaila­ngan mo munang unahin ang sarili. Lucky number for today: 54

ARIES (March 21-April 19) – Kung may pagkakataon, mamasyal sa ibang lugar at subukan ang ibang aktibidad. Isang mahal sa buhay ang manga­ngailangan ng iyong tulong at kailangan mong magsakripisyo. Lucky number for today: 15

Related Posts

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi man naging maganda ang sitwasyon mo sa nagdaang araw ay magbabago naman ito ngayon at sa mga darating pang mga araw. Piliting ‘wag magpaapekto sa opinyon ng iba. Lucky number for today: 31

GEMINI (May 21-June 20) – Maliwanag sa lahat na ikaw ay nagsusumikap nang sobra-sobra. May pagkakataong dapat ka nang tumanggi sa mga obligasyon ng iba na iniaasa sa iyo. Kaila­ngan ding magpahinga. Lucky number for today: 29

CANCER (June 21-July 22) – Nasa mood ka ngayon para itodo ang effort sa anumang pinag-iinteresan mo. Hindi ka naman mabibigo dahil mabuti ang kalalabasan nito. Kailangan din ng oras para sa sarili. Lucky number for today: 3

LEO (July 23-August 22) – Huwag hayaang sirain ka ng iba. Hindi sila mananalo sa ‘yo sapagkat ikaw ay may katangian ng isang Leo. Magpakatatag pa! Lucky number for today: 22

VIRGO (August 23- September 22) – Mas maamo ang kapalaran mo kumpara sa ibang tao. Huwag sayangin ang mga oportunidad. Maraming tao ang gustong maranasan ang suwerteng iyong taglay kaya maging kuntento. Lucky number for today: 14

LIBRA (September 23-October 22) – Hinahabol ka ng suwerte at huwag mo itong babalewalain. May mga kaganapan na hindi mangyayari pero kailangang tanggapin na ito ay hindi inilaan para sa ‘yo. Lucky number for today: 53

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy