Una sa Balita

Crystal Gazer

0 243

ARIES (March 21-April 19) – Mag-ingat sa mga binibitiwang salita lalo na kung negatibo ang sasabihin mo. May resbak ito sa hinaharap. Tandaang kung walang sasabihing maganda, mas piliing manahimik na lamang. Lucky number for today: 58

TAURUS (April 20-May 20) – Isang kasamahan ang may gagawing nakakadismaya. Posibleng hindi naman niya intensyong saktan ka sa halip ay napilitan lamang siyang gawin ito dahil na rin sa utos ng isang nakakataas. Lucky number for today: 18

GEMINI (May 21-June 20) – Kung mga isyung may kinalaman sa pera ang nasa isip mo, makabubuting resolbahin agad ito. Mas magiging abala ka sa mga susunod na araw kaya tapusin na ang mga kailangan para maibigay mo ang buong konsentras­yon sa mga susunod na pangyayari. Lucky number for today: 14

CANCER (June 21-July 22) – Isang tao ang tila minamaliit ang iyong kakayahan at sinisira ang diskarte mo. ‘Wag paapek­to sa kanyang mga komento. Alala­haning hindi naman siya isang eksperto na kaila­ngan mong sundin. Lucky number for today: 4

LEO (July 23-August 22) – Ilabas sa kabilang tenga ang mga naririnig na kritisismo. Hindi mo kailangan ngayon ng mga distraksyon sa anumang pinagkakaabalahan. Hindi ka mapi­pigilan ng iyong mga katunggali. Lucky number for today: 19

VIRGO (August 23-September 22) – Marami ang umaaktong kritiko sa araw na ito. Iwasan na lamang na patulan ang lahat ng naririnig. Ibuhos ang si­yento porsiyentong effort at wala kang pagsisisihan. Lucky number for today: 34

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Marami kang inaakong responsibilidad at ilan dito ay kailangan mo nang pakawalan. Piliin lamang ang dapat gawin. Hindi dapat magpa­kabayani sa lahat ng pagkakataon. Lucky number for today: 24

SCORPIO (October 23-November 21) – Alam mo kung ano ang gusto mo at kung paano gawin ang gusto mo. Wala ring puwang sa iyong isip ang anumang pagdududa. Kapag ganyang kabuo ang iyong kumpiyansa, mahirap kang pigilan. Lucky number for today: 8

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Paulit-ulit na lamang ang mga pangyayari. Gamitin itong batayan para gumawa ng isang pagbabago. Hindi ka makaka-move on kung matatakot kang sumubok sa bago. Lucky number for today: 17

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang pangyayari ang makakapagpatawa sa iyo pero hindi lahat ay natatawa. Iwasan ding magbiro kung wala naman sa mood ang kaharap mo. Maaaring magkaroon ng tensyon kung hindi magiging maingat sa pagbibitiw ng mga komento. Lucky number for today: 32

AQUARIUS (January 20-February 18) – Walang basehan para mangamba ka sa isang malaking pagbabagong nagaganap. Ang pag-aalala ay lalo lamang magpapabigat sa iyong nararamdaman. Irelaks ang isip at mas marami kang magagawa. Lucky number for today: 1

PISCES (February 19-March 20) – Mas­yado kang nagpapata­ngay sa tensyon. Magrelaks at kung may pagkakataon ay sumama sa pagsasaya ng mga kaibigan. Mas madaling mag-isip kung hindi ka masyadong nagpapatangay sa anumang pressure. Lucky number for today: 10

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy