Una sa Balita

Crystal Gazer

0 222

ARIES (March 21-April 19) – Kaila­ngan mong unahin nga­yon ang sarili mo bago ang kapakanan ng ibang tao. Hindi ito nanga­ngahulugang magiging makasarili ka na. May pagkakataon lamang na mas mabigat ang pa­ngangailangan mo. Lucky number for today: 51

TAURUS (April 20-May 20) – Ang tunay na kaibigan hindi lamang magaganda ang sinasabi sa kaibigan. Mas kaila­ngan ng kaibigan mo ang katotohanan kahit hindi ito magandang pakinggan. ‘Wag katakutan ang katotohanan. Lucky number for today: 13

GEMINI (May 21-June 20) – Pakiramdam mo ngayon ang lahat ay nagiging hadlang sa iyong mga plano. May paraan para ipilit ang gusto mo nang hindi inaaway ang mga taong nagmamalasakit lamang sa iyo. Lucky number for today: 20

CANCER (June 21-July 22) – Gaano man kalaki ang temptasyon, iwasan munang usisain ang isang taong gustong manahimik. Kung meron man siyang hindi sinasabi sa iyo, bigyan siya ng espasyo at hintayin kung kailan siya magi­ging handa. Lucky number for today: 58

LEO (July 23-August 22) – Iwasang mapikon kahit tila na nanadya na ang ilang tao sa paligid. Tanging ikaw ang mata­talo kung papatol ka. Manatili ka sa iyong level at ‘wag bumaba sa level ng mga kritiko mo. Lucky number for today: 58

VIRGO (August 23- September 22) – May mga taong ngayon mo pa lang makikilala at mag-iiwan sila ng mala­king impact sa buhay mo. ‘Wag mangamba, sila rin ang magiging dahilan para mas makapag-enjoy ka. Lucky number for today: 40

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Dumistansya muna sa sobrang trabaho. Sa halip bigyan mo ng pansin ang iyong kalusugan. Sa lovelife, masyado kang nagiging close sa isang kaibigan. Posibleng mahulog nang tuluyan ang loob mo sa kanya kung hindi ka mag-iingat. Lucky number for today: 11

SCORPIO (October 23-November 21) – Nga­yon ay muli mong mapapatunayan na maraming tao ang nagmamalasakit sa iyo. Tandaan ang mga sakripis­yong kanilang ibi­nibigay at suklian ito sa tamang panahon. Lucky number for today: 33

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Isang taong inaakala mong karibal o katunggali ang magpapakita ng suporta. ‘Wag nang pagdudahan ang kanyang sinseridad at tanggapin ang inaalok niyang tulong. Lucky number for today: 1

CAPRICORN (December 22-January 19) – May pagkakataon ngayon para magrelaks at magsaya kasama ang pamilya at mga malalapit na kaibigan. Samantalahin ang araw na ito para maipa­hinga ang isip at katawan. Kailangan mo ng energy sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 17

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – ‘Wag munang ibahagi ang anumang mga plano mo sa kahit na sinong tao kahit pa sa iyong partner. Hindi ito ang tamang pagkakataon dahil may posibilidad na hindi ka nila maunawaan. Lucky number for today: 45

PISCES (February 19-March 20) – Madali mo lamang makilatis ngayon kung sino sa mga taong nakapaligid sa iyo ang totoo at sinong nagpapanggap lamang. Hindi na rin dapat pang unahin ang pride dahil kailangan mo ng tulong ng mga kaibigan. Lucky number for today: 15

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy