Una sa Balita

Horoscope 09/07/19

0 395

CELEBRITY BIRTHDAY TODAY: JOHN MANALO, AIRA BERMUDEZ

ARIES (March 21-April 19) – Maging maingat sa mga bibitawang salita dahil maaari mo itong ikapahamak. Mas mabuti ang tumahimik na lamang kung wala ka namang magandang sasabihin. Lucky number for today: 31

TAURUS (April 20-May 20) – Huwag mong ipagsawalang bahala ang iyong mga problema. Kung hindi mo man agad malutas ang mga ito ay unti-unti mong hanapin ang solusyon. Dagdagan ang pagtitiyaga. Lucky number for today: 41

GEMINI (May 21-June20) – Maaaring sa tingin ng iba ay lagi mong inuuna ang iyong pansariling interes. ‘Wag mo silang intindihin. Walang masama na mahalin at unahin ang sariling kapakanan. Lucky number for today: 4

CANCER (June 21-July 22) – ‘Wag sanayin ang sarili na magpatangay na lang sa agos ng buhay. Gawin ang mga bagay na gusto mong gawin. Maaari mong pagsisihan kapag pinaglagpas mo ang pagkakataon na ito. Lucky number for today: 10

LEO (July 23-August 22) – May oras ka pa para ayusin ang mga bagay na iyong ipinagpaliban ng mga nakaraang linggo. Kaya gawin na ang mga dapat mong gawin para mabawasan ang iyong mga isipin sa mga darating na araw. Lucky number for today: 39

VIRGO (August 23-September 22) – Kailangang tanggapin mo na ang pagbabago ay sadyang parte ng buhay. Kung ano man ang mawawala sa’yo ay siguradong may mas magandang kapalit ito. Manatiling positibo sa buhay. Lucky number for today: 13

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Ikaw ang direktor ng iyong buhay. ‘Wag hayaan ang ibang tao na patakbuhin ito. Nasa sa’yo ang desisyon kung susundin mo ang payo ng iba. Lucky number for today: 17

SCORPIO (October 23-November 21) – May konting krisis na hatid ang mga darating na araw. May taong magbabalik sa’yong buhay na tutulungan kang malampasan ito. ‘Wag mo siyang itaboy! Lucky number for today: 21

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Lahat ng aksyon ay may kaakibat na reaksyon. Maging handa sa krisis na haharapin dulot ng iyong ginawa ng mga nagdaang buwan. ‘Wag mangamba dahil ang mahalaga ay natuto ka sa iyong pagkakamali. Lucky number for today: 46

CAPRICORN (December 22-January 19) – Magiging malinaw na sa’yo kung ano ang estado ng iyong relasyon sa pagitan ng isang tao. Wag kang malungkot kung hindi mo man inaasahan ang mga susunod na mangyayari. Magpatuloy lang sa biyahe ng buhay. Lucky number for today: 11

AQUARIUS (January 20-February 18) – Maipamamalas mo ang iyong pagiging professional at mature sa linggong ito sa trabaho. Hindi magiging hadlang ang personal mong relasyon sa isang katrabaho para magtagumpay kayo sa proyekto. Lucky number for today: 43

PISCES (February 19-March 20) – Maaring naiisip mo na kailangan mong baguhin ang lahat ng bagay sa’yong buhay. ‘Wag magmadali. Unti-unting magbabago ang mga ito nang hindi mo napapansin. Lucky number for today: 1

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy