Una sa Balita

Horoscope 11/16/19

0 289

SCORPIO (October 23-November 21) – Gusto mong subukang pumunta sa ibang lugar. Magbigay ng oras sa sarili at subukan ang mga bagay na matagal mo nang gustong gawin at magpapasaya sa iyo. Lucky ­number for today: 23

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kung ipapakita ang tama sa iba ay gagawin din nila ito sa iyo. ­Maging ­mahinahon sa pakikipag-usap upang makuha ang kanilang tiwala. Lucky ­number for today: 2

CAPRICORN (December 22-­January 19) – Ang araw na ito ay magiging kumplikado. ­Isipin munang ­mabuti ang mga dapat gawin upang maging maayos ang lahat. Lucky number for today: 14

AQUARIUS (January 20-February 19) – Hindi mo namamalayan na meron ka na pa lang nasasaktan sa iyong mga sinasabi. Kailangan na mag-ingat sa iyong mga pananalita. Lucky number for today: 20

PISCES (February 19-March 20) – ­Gusto mo na maglakbay at ito ang ­nakakapagpasaya sa ‘yo. Piliin lamang ang lugar na ­ninanais at makuntento. Kung ­hindi pa kaya ng ­budget ang ibang plano ay ­maaring ­ipagpaliban. Lucky number for today: 5

ARIES (March 21-April 19 – Tapusin na ang mga bagay na dapat tapusin. Huwag na itong ipagpabukas pa kailangan na kumilos. Mas magiging abala ka sa mga darating na araw. Lucky number for today: 5

Related Posts

TAURUS (April 20-May 20) – Iwasan ang sobrang paggastos. Maging praktikal upang makatipid at may magamit sa oras ng ­pangangailangan na mangyayari sa mga ­susunod na araw. Lucky number for today: 26

GEMINI (May 21-June 20) – ­Susubukan ka na takutin ng isang karibal ngunit ­hindi pasisindak. Maging kalmado at huwag ­patatalo dahil ang lahat ay pagsubok lamang. Lucky number for today: 33

CANCER (June 21-July 22) – ­Pakinggan ang payo ng mga taong nagmamahal sa ‘yo. Ikaw ay matalino kaya matuto ka bawat ­pagkakamali. Lucky number for today: 48

LEO (July 23-August 22) – Ipakita ang ­talento at galing na meron ka. Maaaring ma-promote dahil rito. Ilang taong nasa ­nakatataas na posisyon ang hahanga sa taglay mong galing. Lucky number for today: 15

VIRGO (August 23-September 22) – May pagkakataon na maglakbay ­ngayong araw hanggang sa matapos ang linggo. ­Subukan ang mga bagay na nais gawin at magsaya. Lucky number for today: 1

LIBRA (September 23-October 22) – Maraming katanungan at pagdududa na gumugulo sa isipan mo. Makinig sa payo at magtiwala sa mga taong nagmamahal sa iyo. Gusto nila na magtagumpay ka. Lucky ­number for today: 17

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy