Una sa Balita

Horoscope 11/15/19

0 317

SCORPIO (October 23-November 21) –Maraming magbubukas na oportunidad sa araw na ito. Kaila­ngang hindi ito palampasin kaya huwag maging kampante. Hindi masamang magrelaks pero kaila­ngang alerto. Lucky number for today: 34

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Ang Venus sign ay naghihikayat sa ‘yo na maging positibo ganu’n din ang payo ng mga taong malalapit sa iyo. Mag-ingat lamang sa ilang indibidwal na gustong magsamantala sa magandang pagkakataon. Lucky number for today: 41

CAPRICORN (December 22-January 19) – Huwag maging balisa dahil sa kalagayan mo. Magpasalamat sa kabila ng isang mahirap na sitwasyon. Ang mga problema ay lilipas din. Lucky number for today: 22

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 19) – Kung may isyu sa relas­yon, ngayon ang tamang oras na resolbahin ito. Maging mahinahon dahil walang dahilan upang hindi kayo magkaunawaan. Lucky number for today: 34

PISCES (February 19-March 20) – Subukan na huwag ma­ging emosyonal sa isang isyu. Maging kalmado dahil bawat problema ay na­ngangailangan ng praktikal na solusyon. Iwasan lamang patagalin ang isang pagdedesisyon. Lucky number for today: 19

ARIES (March 21-April 19) – Kina­kailangan ang siyento porsiyento ng iyong lakas ngayon. Lagpasan ang anumang limitasyon at magiging mahusay sa anumang gawain. Lucky number for today: 6

Related Posts

TAURUS (April 20-May 20) – Ang akala ng iba ikaw ay sensitibo sa iyong damdamin. Hindi ito totoo at gagawa ka ng paraan upang mawala ang kanilang takot sa ‘yo. Lucky number for today: 17

GEMINI (May 21-June 20) – Mas magi­ging magaling ka sa pa­ningin ng iba sa araw na ito. Iwasan lamang na iasa sa iba ang mga kailangan mong gawin. Lucky number for today: 31

CANCER (June 21-July 22) ­– Maging masinop sa pera sa araw na ito. Kakailanganin ito sa mas importanteng bagay sa lalong madaling panahon. Lucky number for today: 55

LEO (July 23-August 22) – Ang maririnig mo sa iyong kaibigan ay tila musika sa iyong tenga. Mahirap man tanggapin ang katotohanan, hindi ito dapat ipagwalang-bahala. Lucky number for today: 9

VIRGO (August 23-September 22) – Hindi mo matatakasan ang problema kaila­ngan itong resolbahin sa lalong madaling panahon. Harapin ang takot nang maging maayos ang lahat. Lucky number for today: 42

LIBRA (September 23-October 22) – Magpapahiwatig ng nararamdaman ang isang tagahanga. Makipag- usap nang maayos para maipahayag ang gustong sabihin. Mas malamang ngayon ang mga kalituhan. Lucky number for today: 12

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy