Una sa Balita

Horoscope 11/12/19

0 393

SCORPIO (October 23-November 21) – Huwag basta magtiwala sa kakilala lalo na kung tungkol sa pera. Ang tiwala ay hindi nabibili at ito ay kusa at natural na lumalabas sa tao. Lucky number for today: 47

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Ipahayag ang nararamdaman at huwag matakot. Ayaw nila na ito ay malaman sapagkat masakit ang katotohanan pero kailangan mong gawin. Lucky number for today: 36

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hinahayaan mo sila na pakialaman ang iyong desisyon. Ang akala mo ay hindi ito mahalaga pero kaila­ngan mo na ring manindigan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay sila ang masusunod. Lucky number for today: 31

AQUARIUS (January­ 20-February 19) – Gusto mo na maintindihan ka nila sa gusto mong sabihin. Ang mahirap ay hindi pa nila ito kayang gawin. Makakaunawa rin sa takdang oras. Gawing mahinahon ang pakiki­pag-usap. Lucky number for today: 20

PISCES (February­ 19-March 20) – Mapupuna ka ng ilang kaibigan at kapamilya sa linggong ito. Huwag subukang makipag­talo dahil tama sila. Sa pagkakataong ito, dapat makinig sa payo nila. Lucky number for today: 4

ARIES (March 21-April 19) – Magi­ging mabilis ang iyong pag-iisip ngayon. Kailangang suriing mabuti ang mga ideya bago isatupad ito maaari ring humingi ng panga­lawang opinyon. Lucky number for today: 16

Related Posts

TAURUS (April 20-May 20) – May mag-aalok ng anumang bagay sayo sa darating na unang bahagi ng linggo. Meron itong kapalit pero ito ay iyong kinakailangan. Lucky number for today: 52

GEMINI (May 21-June 20) – Inaakala mong dumating na sa sukdulan ang relasyon pero hindi ito totoo. Meron pa ring magagawa para maisalba ang relasyon. Kailangan lamang magsakripis­yo. Lucky number for today: 12

CANCER (June 21-July 22) – Magpahinga muna. Kailangang bigyan ng oras ang sarili sa mga nagdaang gawain. Huwag abusuhin ang katawan nang maiwasang magkasakit. Lucky number for today: 46

LEO (July 23-August 22) – Kung gustong maging sapat ang kita gagawa ka ng paraan at magkakaroon pa ng sobra. Hindi ka magkakaroon kung hindi ka rin kikilos. Dapat ding maging positibo. Lucky number for today: 32

VIRGO (August 23-September 22) – Panahon na para kalimutan ang nakaraan at bigyan ng pansin ang iyong sarili. Ibaling ang isipan sa magagandang bagay sa paligid. Lucky number for today: 41

LIBRA (September 23-October 22) – Kung inaakala mo na natutuwa sila sa paraan ng iyong pananalita, nagkakamali ka. Hindi laging makakapagpasensya ang mga kaharap mo. Kailangang maging ma-ingat sa mga sinasabi sa ibang tao. Lucky number for today: 53

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy