Una sa Balita

Horoscope 11/13/19

0 268

SCORPIO (October 23-November 21) – ­Maaaring ­kailanganing mong pumili. ­Maging ang mga pamilya at ­kaibigan ay tila nakapili na kung saan sila kakampi. ­Inaabangan ng lahat ang iyong­ ­desisyon. Lucky number for today: 14

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Iwasang magpaapekto sa imahinasyon. Kontrolin din ang bugso ng ­emosyon. May malaking ­pangyayari pagdating sa lovelife kaya kailangan ang iyong pokus. Lucky number for today: 46

CAPRICORN (December 22-January 19) – Maayos ang takbo ng iyong career at marami ang naniniwala sa mga ginagawa mo. Hindi sapat ito para makampante. Ibuhos lang ang siyento por siyentong effort at mas malayo pa ang iyong maaabot. Lucky number for today: 15

AQUARIUS (January 20-February 18) – ­Hindi lahat ay nakikiayon at sumusunod sa mga plano mo. Pero hindi rin naman ito rason para tumigil. Sa halip, gamitin itong ­hamon para lalo pang ­patunayan na nasa tama kang ­landas. Lucky number for today: 37

PISCES ­(February 19-March 20) – ­Etsapuwera muna ­ngayon ang mga isyung may ­kinalaman sa pag-ibig. Mas dapat magpokus sa career at sa mga plano mo sa ­hinaharap. ­Maraming umaasa sa iyo. Lucky number for today: 23

ARIES (March 21-April 19) – ­Dalawang ­puwersa ang ­magkokontrahan ­ngayon. ­Magdadalawang-isip ka ­naman kung saan ka ­dapat pumosisyon. Sa gitna ng kalituhan, iwasang ­maging ­emosyunal at ilagay sa ­balanse ang lahat. Lucky number for today: 45

Related Posts

TAURUS (April 20-May 20) – Mas emosyunal at sensitibo ka ngayong araw na ito kaysa karaniwan. May pakiramdam kang ­naaabuso na ang iyong ­kabutihan. Protektahan ang sarili. Lucky number for ­today: 18

GEMINI (May 21-June 20) – May pagkabagot na nararamdaman at makatutulong ang anumang mga creative project para mabawasan ang stress. ‘Wag magpokus sa ­sinasabi ng mga tao sa halip mas bigyang importansya ang sinasabi ng puso. Lucky number for today: 33

CANCER (June 21-July 22) – Masyado ka nang inaasahan ng ilang tao sa paligid mo. Mahihirapan ka dahil ayaw mong ­biguin ang lahat. Alalahaning tao ka lang na napapagod at nagkakamali rin. Lucky number for today: 9

LEO (July 23-­August 22) – Iwasang ­maipit sa dalawang ­nagbabanggaang ­puwersa ngayon. Ikaw ang talo kapag may ­kinampihan ka. Hindi masamang ­tumayong ­tagapamagitan dahil mas maraming ­nakikinig sa bawat sinasabi mo. Lucky number for today: 4

VIRGO (August 23-September 22) – Mas matatag ka ­ngayon pagdating sa mga ­isyung emosunal. Pero may ­pag-aalinlangan ka ­naman pagdating sa mga ­impormasyon na hawak mo. Isang indibidwal ang tila naghahamon pero ‘wag na lamang siyang ­patulan. Lucky number for today: 18

LIBRA ­(September 23-October 22) – ­Magiging maayos ang ­takbo ng romansa. Ang mga single at ­naghahanap pa lamang ay may ­potensyal na makita na ang kanyang ­hinahanap. Mag-enjoy ­lamang sa mga ­nangyayari at ‘wag ­munang kumontra. Lucky number for today: 25

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy