Una sa Balita

Horoscope 11/14/19

0 292

SCORPIO (October 23-November 21) – ­Hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa anumang isyu. Ang iyong pangamba ay hindi mangyayari. ­Manatiling positibo. Lucky number for today: 54

SAGITTARIUS (November 22-­December 21) – Nasiyahan ka man o hindi sa mga ­mangyayari ngayong darating na araw ay ­hindi na mahalaga. Ang importante ay ang naging ­karanasan at ang iyong natutuhan. Lucky ­number for today: 34

CAPRICORN (December 22-January 19) –Matutupad ang isa o higit pa sa mga pangarap mo. Maaaring magsakripisyo para rito. Minsan lang itong mangyayari. Lucky number for today: 17

AQUARIUS (January 20-February 19) – ­Gumawa ng mga kinakailangan para ­maisalba ang relasyon. Hindi kailangang maging ­romantiko sa halip mas dapat na pareho kayong ­mag-enjoy. Lucky number for today: 32

PISCES (February 19-March 20) – ­Kailangan na mapairating sa kasamahan ang matagal mo nang gustong ipahiwatig. Kung hindi ito maipapaliwanag nang maayos, maaaring humantong sa di pagkakaintindihan. Lucky number for today: 16

ARIES (March 21-April 19) – Ang ­katangian ng pagiging Aries ang dahilan kung bakit gusto mo ­laging makamit ang ­ninanais sa buhay. Kailangan lang maging maingat sa pagdedesisyon at ­iwasang magkamali. Lucky ­number for today: 40

Related Posts

TAURUS (April 20-May 20) – Huwag mag-alala kung hindi naging maganda ang mga nagdaang araw. Ito ay lilipas din. Tingnan na lamang ang magagandang bagay para ngumiti. Lucky number for today: 3

GEMINI (May 21-June 20) – Maaaring may mga rason sa mga bagay-bagay pero minsan ay wala rin. Hindi lahat ay may lohikal na dahilan ang iba ay sadyang hindi kayang maipaliwanag. Sa ganitong pagkakataon, alalahaning ang lahat ay lilipas din. Lucky number for today: 29

CANCER (June 21-July 22) – Maaaring ­maharap sa mga mahihirap na pagsubok ­ngayon. Ang pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili ang magbibigay ng lakas upang malagpasan ito. Lucky number for today: 40

LEO (July 23-August 22) – Ang piniling ­desisyon ay magbibigay ng malaking epekto sa ­hinaharap. Maging mahusay sa talentong ­meron ka at ipakita ito sa lahat. Lucky number for ­today: 49

VIRGO (August 23-September 22) – Marami mang beses na nabigo nitong mga nagdaang linggo ay hindi na mahalaga. Ang mga ito ay gamiting aral upang bumangon muli at magsimula. Lucky number for today: 13

LIBRA (September 23-October 22) – ­Sinusubukan mong itago ang katotohanan sa minamahal. Kailangan niya itong malaman ­maging matapat sa iyong kapareha. Lucky ­number for today: 10

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy