Una sa Balita

Horoscope 11/10/19

0 328

SCORPIO (October 23-November 21) – Mahirap para sa iyo ang mag-commit. ‘Wag nang pilitin ang sarili kung talagang labag ito sa iyong kalooban. Malalagpasan mo rin ang sitwasyong ito. Lucky number for today: 26

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Gusto mong ituloy ang isang plano pero may malakas na puwersang kumokontra. Kailangang pag-usapan ang lahat para hindi magkaroon ng gulo. Lucky number for today: 31

CAPRICORN (December 22-Janua­ry 19) – Bigyan ng espesyal na atensyon ang iyong lovelife. May isang isyu na kailangang maresolba at makakatulong ang husay sa pakikipagkomunikasyon. Ikaw na ang maunang umaksyon. Lucky number for today: 16

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ngayon na ang tamang araw para aksyunan ang isang isyung may kinalaman sa iyong lovelife. Mas madali ring kausapin ngayon ang iyong partner dahil mas maiintindihan ka niya. Lucky number for today: 12

PISCES (February 19-March 20) – May tensyon pagdating sa iyong pamilya at pakikipagrelasyon. Importanteng resolbahin agad ito at wag nang ipagpabukas. Umiwas sa mga madadramang dayalogo. Lucky number for today: 8

ARIES (March 21-April 19) – Mas gusto mong bigyan ngayon ng espesyal na atensyon ang iyong mga mahal sa buhay. Pero iwasan lamang na ilagay sa napakataas na pedes­tal ang iyong partner. Alalahaning tao lamang siyang tulad mo. Lucky number for today: 11

Related Posts

TAURUS (April 20-May 20) – Maaring magkaroon ng isyu sa lovelife ngayong araw na ito. Meron isang isyung mabubuksan at hindi ito puwedeng dedmahin. Nasa komunikasyon ang susi para malagpasan ito. Lucky number for today: 23

GEMINI (May 21-June 20) – Nasa romansa ang pokus ng araw na ito. May pagbabagong magaganap na lalo pang magpapatibay ng relasyon. Sa mga single pa, ‘wag ikompromiso ang sarili sa kung ano ang puwede na. Dun ka pa rin sa masasabing ‘the best.’ Lucky number for today: 9

CANCER (June 21-July 22) – Isyu sa romansa ang gumugulo sa iyong isip. Ang desisyon ay nasa iyong kamay. ‘Wag matakot na ipakita ang tunay mong nararamdaman. Lucky number for today: 54

LEO (July 23-August 22) – Maaaring mapuno ang iskedyul sa araw na ito ng mga aktibidad na may kinalaman sa isang love interest. Mas creative ka rin ngayon. Maraming bumibilib pagdating sa iyong estilo. Lucky number for today: 42

VIRGO (August 23- September 22) – Maari kang mahirapang mag-express ng tunay mong nararamdaman. Masyado kang nagpapatalo sa isang atraksyon. Kailangan mong ibalanse ang lahat at magtiwala sa iyong sariling kakayahan. Lucky number for today: 19

LIBRA (September 23-October 22) – Wala kang dapat itago. Ipakita kung ano ang tunay mong nararamdaman at ang mga pangyayari ay mag-uumpisang pumabor sa iyo. Lucky number for today: 11

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy