Una sa Balita

Horoscope 11/11/19

0 404

SCORPIO (October 23-November 21) – Maraming nagsasabi sa iyo kung ano ang tama at dapat gawin. Sa pagkakataong ito, sabihin sa kanila na hindi mo kaila­ngang magpadikta. Gawin ang inaakala mong tama at kung magkamali man, hindi masamang nag-try ka. Lucky number for today: 22

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Hindi mo nakuha ang gusto mo sa mga nagdaang araw. Ngayong araw na ito, magbabago na ulit ang takbo ng mga pangyayari at papabor sa iyo. Samantalahin ang mga mabubuksang pagkakataon. Lucky number for today: 14

CAPRICORN (December 22-January 19) – Makakahanap ka ng bagong solusyon sa isang problemang ilang araw nang nagpapabigat sa iyo. Sinuman ay kaya mong harapin ngayon. Patuloy na magtiwala sa sariling kakayahan. Lucky number for today: 17

AQUARIUS (January 20-February 18) – May pagdududa ka pa ring nararamdaman sa iyong sarili. Ito ay sa kabila ng napakarami mo nang napatunayan. Sapat ang iyong karanasan at kakayahan para maabot ang mga target mo. Lucky number for today: 50

PISCES (February 19-March 20) – Bigyan ng pahinga ang sarili para makabawi sa pisikal na pagod at sa mga alala­hanin sa buhay. Hindi masamang mapag-isa para mag-recharge. Lucky number for today: 40

ARIES (March 21-April 19) – Mas­yado kang nagpopokus sa negatibo. Kahit kabado kang may malaking a­beryang posibleng maganap, manatili na lamang alerto at ibigay pa rin ang iyong best effort. Lucky number for today: 51

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi masamang unawain ang mga taong tila mahirap makaintindi pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang magsakripis­yo ka para sa kanila. Unahin muna ang sarili mo sa araw na ito. Lucky number for today: 42

Related Posts

GEMINI (May 21-June 20) – Masyado na bang mataas ang expectation mo sa sarili mo? Hindi masamang ibaba ng ilang porsiyento ang mga target mo nang hindi ka mahirapang abutin ito. Lucky number for today: 19

CANCER (June 21-July 22) – Napakaliit ng pasensya mo sa mga taong mahirap umintindi. Pero isiping hindi ka rin perpekto kaya dagdagan pa ang pang-unawa. Hindi rin masamang tulu­ngan sila. Lucky number for today: 53

LEO (July 23-August 22) – Kung may mga obligasyon kang napabayaan sa mga nagdaang buwan, gawin ito ngayon. Maaari ka pang makabawi. Bigyan ng espesyal na atensyon ang pangangailangan ng pamilya. Lucky number for today: 58

VIRGO (August 23- September 22) – Magpakatatag sa bawat desis­yon para hindi mawala ang kontrol mo sa anumang sitwasyon. Ipabatid sa iba na kaya mo silang harapin at sabayan kung hindi man tuluyang mahigitan. Lucky number for today: 1

LIBRA (September 23-October 22) – May importanteng desisyon na kailangang gawin. Isang ilusyon ang kaila­ngan na ring talikuran. Mahirap ang lagi na lamang umaasa. Lucky number for today: 8

Attachments area

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy