Una sa Balita

Crying politician alaskado

0 341

MADALAS daw alaskahin ang isang mambabatas dahil sa pag-iyak niya sa session hall.

Bagama’t matagal nang nangyari ang pag-iyak niya sa session hall, palagi itong nauungkat kapag nagkakabiruan ang grupo.

Hindi daw kasi bagay ang pagiging iyakin nito lalo pa’t may kalakihan ang mam­babatas.

Nagmumukha daw kasi itong si Jimmy Santos kapag umiiyak ito, kulang lang ang bigote para magaya ng mambabatas ang komedyante.

Pero hindi lahat ay puwedeng magbiro sa mambabatas dahil mga malalapit na kaibigan lang ang puwedeng umalaska dito.

Sa kabila nito, napipikon pa rin ang mambabatas lalo na kung sobra na ang ginagawang pang-aalaska sa kanya.

Ibang klase pa naman kung mapikon ito dahil sa hindi ito kumakain sa lounge, animo’y nasa hunger strike.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na palaging inaalaska dahil sa pag-iyak ay kila­lang bigatin sa kanilang lugar. May letrang D sa kanyang pangalan as in Dumbo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy