Una sa Balita

Crying candidate talunan sa halalan

0 242

HINDI umubra ang drama ng isang politiko matapos itong matalo sa darating na halalan.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na ilang araw bago ang May 13 election, naglabas ng video itong kandidato sa pagka-alkalde kung saan hiningi niya ang suporta ng mga botante sa kanilang siyudad.

Ang kakaiba lang sa video message ng kandidato, may kasabay itong iyak na para bang nanonood ka ng teleserye.

Mukhang hindi naman tumalab ang drama ng politiko dahil higit sa 100,000 ang lamang ng kalaban niyang incumbent mayor.

Siguradong totohanan na ang pag-iyak ngayon ng kandidato dahil malaki-laki din ang pinakawalan niyang salapi pero talunan pa rin sa nagdaang halalan.

Pintahan niyo na. Ang kandidatong idinaan sa pag-iyak ang kampanya ay kulay pula ang political color at may letrang B sa kanyang pangalan as in Bikoy.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy