Una sa Balita

Cruz sa Guam squad Kume: Bawal iyan!

0 364

HINDI pipigilan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagnanais ni Jericho Cruz ng NLEX Road Warriors na makapaglaro para sa kinala­kihang bansa na Guam hanggang aprubado ito ng pamunuan ng kanyang mother team.

“Basta pinayagan siya ng kanyang koponan, pagbibigyan natin. Parte din naman iyan ng pagtulong natin sa mga player natin at mga team na ma-develop,” sabi ni PBA Commissioner Willie Marcial.

“Bawal talaga iyan sa liga pero kung papayagan naman ng kanyang koponan, papayagan natin. Kaila­ngan lang natin na may sulat mula sa mother team na pinapayagan nila ang player at saka magsabi sa atin ang player personally o kahit na sumulat sa liga.”

Una nang inihayag ni NLEX Road Warriors head coach Joseller ‘Yeng’ Guiao ang pagpayag kay Cruz na maglaro para sa Guam National team sa isasagawang FIBA Asia Oceania qualifier bagaman kinakailangan na sagutin mismo ng nasabing bansa kung sakaling magtamo ng injury ang manlalaro.

Si Cruz, na isinilang sa Pasig,­ ay may dual citizenship­ matapos­ na lumaki sa Guam at Northern Mariana Islands,­ na kapwa nasa ilalim ng teritorya ng United States.

Nakapaglaro si Cruz sa Northern Mariana noong 2009 FIBA Oceania Championship at 2010 Micronesian Games.

Naglaro din si Cruz sa Gilas Pilipinas noong 2013 Southeast Asian Games na hindi mahirap ang rules kumpara sa ipinapatupad ng FIBA. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More