Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cruz pangposte ng Blackwater

0 45

WALANG balak ang Blackwater na pakawalan si Carl Bryan Cruz.

Ayon kay team owner Dioceldo Sy, si CBC na ang magiging main big man ng Bossing matapos i-trade si Mac Belo sa Meralco kapalit ni Baser Amer.

“CBC is our Mac Belo,” ani Sy.

Mainam na wing si Cruz, nakita ni coach Chot Reyes ang potensiyal kaya kinuha ang 6-foot-4 forward sa Gilas Pilipinas para sa 2019 FIBA World Cup qualifying.

Bumalik si Reyes sa TNT, lumabas ang tsismis na gusto niyang kunin si Cruz.

Pero iba ang natuloy na trade. Napunta sa Tropang Giga ang No. 4 pick noong nakaraang draft ng Blackwater para kina Simon Enciso at David Semerad at future draft picks (2023 first rounder at 2024 second rounder).

Galing NLEX ang No. 4 pick na pinalit ng Road Warriors para kina Don Trollano, Roi Sumang at Maurice Shaw.

Interesado rin daw ang Ginebra kay CBC, pero walang natuloy na usapan.

Pinapirma ng Bossing ng bagong kontrata si Cruz, 29, matapos i-trade si Belo. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.