Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cruz malakas konek sa TNT

0 145

HINDI pa nakakapaglaro si Carl Bryan Cruz sa TNT, may contract extension na agad siya sa flagship team ng MVP group.

Binigyan daw ng Tropang Giga si Cruz ng isang taong extension bago mag-expire sa katapusan ng buwan ang orihinal na kontrata niya sa Blackwater.

Dumating sa TNT ang 6-foot-4 forward bago ang PBA Governors Cup kapalit ni Jay Washington at future draft picks.

Pero sa apat na salang ng Tropa, hindi pa nakakapaglaro si CBC.

Hindi pa raw siya 100 percent sa panlasa ni coach Chot Reyes.

Kagandahan, nakakapag-ensayo na si Cruz sa team.

Huling naglaro ang TNT noong Dec. 26 nang takasan ang Rain or Shine 95-92. Pagkatapos ng holiday break, sinuspinde ang mga laro dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 infections sa bansa.

Nagkaisang dinesisyunan ng Board na ituloy ang mga laro sa first week ng February.

Natigil ang kampanya ng Tropang Giga sa 2-2 win-loss card. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.