Una sa Balita

Cruz, Guiao together again

0 331

MAGKASAMA na ulit sina Jericho Cruz at coach Yeng Guiao.

Lunes ay inaprubahan na ni PBA Commissio­ner Willie Marcial ang three-team trade na nagdala kalaunan kay Cruz mula TNT KaTropa patungong NLEX via NorthPort.

Una ay nakuha ng Batang Pier si Marion Magat mula NLEX kapalit ng 2020 second round pick ng NorthPort (mula San Miguel).

Pinakawalan din agad ng NorthPort si Magat na napunta sa KaTropa kapalit nina Cruz at Michael Miranda. Isinama sa package ang 2021 at 2022 second round picks ng Batang Pier.

Hindi nagtagal sa NorthPort si Cruz, agaran ding binigay sa NLEX kapalit ng 2019 second round pick (mula Phoenix) at 2020 second roun­der (mula Columbian) ng Road Warriors.

Hindi pa naglalaro sa Commissioner’s Cup si Cruz, nasa injury list lang ng TNT.

Ang 6-foot-1 guard mula Adamson ay 9th pick ng Rain or Shine noong 2014 habang si Guiao pa ang coach ng Elasto Painters.

Tumawid ng NLEX si Guiao noong 2016, dalawang taon ang nakalipas ay pinamigay ng RoS si Cruz sa TNT kapalit nina Syndey Onwubere at Kris Rosales at 2019 pick na ginamit ng Painters para makuha si Javee Mocon.

Bago napunta sa TNT ay sinasabi na ni Cruz na gusto niyang mapunta kay Guiao. Natupad na ‘yun, magkakasama na ulit ang dalawa sa Road Warriors na wala pang naipapanalo sa limang laro sa midseason tournament. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy