Una sa Balita

Cruz, Antonio sa Pasay 5-cock

0 981

GALING sa panalo sa National Cockers Alliance (NCA) cockfest, sina Jojo Cruz ng Bulacan at sabong idol Patrick Antonio ang liyamado sa “PL2 Malainin Big Event 5-Cock Derby” ngayon, Biyernes, Mar. 8 sa Pasay City Cockpit.

Tig-limang panalo ang niratsada nina Cruz (JTC Kaingin Pasay May 3) at Antonio (Sagupaan Chick Booster Baby Stag) noong Martes sa Ynares Sports Arena Pasig upang kunin ang NCA derby title.

Babawi ngayon sina Charlie “Atong” Ang, RJ Mea, Arman Santos, Eric dela Rosa, Muroy Dolorico, Joey delos Santos, Mayor Francis Espiritu, Gerry Ramos, Mayor Nene Aguilar, Gerald Go, Mandy Garcia, Lito Orillaza, ESM group, Jeff Hapon, Femie Medina, Firefly group at Richard Perez.

Maaga ang umpisa ng higit 100 sultada ngayon hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Handa na rin ang second leg (7–bullstag derby) ng Luzon Gamecock Breeders Association(LGBA) Cocker of the Year series sa PCC sa Mar. 11, 18 at 25 (3-4 format).

Puwede ang 2018 LGBA regular stags, FIGBA  ‘Bakbakan’ at PFGB ‘Digmaan’ sa submission ng entries sa Linggo.

Kontakin lamang ang 0945-4917474 (Erica); 0939-4724206 (Ace) o 843-1746 at 816-6750.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy