Una sa Balita

Cristine tinali, binaboy ni Xian

0 652

Nakakaloka ang pelikulang “UnTrue” nina Xian Lim at Cristine Reyes, na dinirek ni Sigrid Andrea Bernardo, at prodyus ng Viva at IdeaFirst Company.

Babaliwin ka mula umpisa hanggang dulo. May mga eksena na bawal ka munang pumikit, at talagang pipigilan mo muna ang paghinga dahil sa mga matitin­ding eksena.

Tama si Direk Sigrid, matin­ding dedikasyon ang kailangan para sa movie na ito. Na kailangan ang paulit-ulit na rehearsal dahil siguradong maliligaw ka, kapag hindi ka sumunod sa tamang instruksiyon.

Ang husay-husay ni Xian sa mga eksena niya na papalit-palit ang reaksiyon niya. Na mula sa mabait, biglang nagagalit, biglang nagwawala, at bigla uling magiging mabait.

Magtatanong ka nga sa sarili mo, anyare? Bakit ganoon? Ano’ng meron sa kanya?

Pero sa pagpapatuloy ng kuwento, mauunawaan mo nga ang pinanggalingan.
At yes, parehong palaban sina Xian at Cristine, ha! Kahit sa mga love scene, na parang papunta na sa semi-porn dahil may mga eksena na hinubuan ni Xian si Cristine, tinalian, at tinira nang tinira.

Kaloka ang bonggang facial ­expression ni Cristine, ha!

At yes, may eksena rin na nagpalit naman sila ng eksena, na si Xian naman ang tinalian ni Cristine, at inupuan nang inupuan. Maloloka ka talaga.

Pareho ring palaban sa halikan ang dalawa. Matitinding kissing scene na iisipin mong posibleng nadarang talaga sila.

Well, hindi ko sasa­bihin kung ano ang ending, pero mas magandang abangan niyo, at maloloka rin talaga kayo.

Basta ang masasabi ko lang, parehong mahusay silang dalawa. Doon pa lang sulit na kayo. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More