Una sa Balita

Cristine Reyes buhay milyonarya sa London

0 819

Unti-unting tinutupad ni Cristine Reyes ang pangako niya sa anak na si Amara na ililibot niya ito sa buong mundo. Ipinangako ni Cristine sa isa sa kanyang naunang post habang yakap niya ang anak na dadalhin niya ito sa iba’t ibang panig ng mundo.

Naka-post sa Instagram ni Cristine ang mga larawan nila ng anak habang namamasyal sa London. Hindi pipitsugin ang ilang dish course na in-order ng aktres sa dinner date nila ng anak.

Nagbubuhay-mayaman, milyonarya si Cristine sa London sa restaurant na kinakainan nila ng kanyang only child. Ipinaparanas ni Cristine habang bata pa si Amara ang luxury ng pagta-travel nilang mag-ina. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More