Una sa Balita

Cristine napuno ng pasa, bukol

0 241

Bugbugan pa more:

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyBukod sa mga pasa, marami ring sugat na natamo si Cristine Reyes sa isang eksena sa ginagawa niyang tele-serye.

Nag-post nga si Cristine ng mga photo sa Ins-tagram na makikitang puno ng kalmot, gasgas, pasa ang iba’t ibang parte ng kanyang katawan. May bolsa-de-yelo pa na naka-patong sa kanyang ulo para maibsan ang bukol.

“That’s how we roll,” sabi ni Cristine.

Ayon sa Kapamilya actress, base sa reply niya sa mga kaibigang nagpahayag ng malasakit at pag-aalala sa kalagayan niya, sa taping nga raw niya nakuha ang mga pasa, gasgas, kalmot, sugat at bukol.

Nabahala rin si Angel Locsin sa nangyari kay Cristine, at sinabi nitong alalay lang sa mga eksena.

“Uy bat umabot sa ganyan. Alalalay sa ka-eksena. Ingat Aa,” sabi ni Angel.
Sa sagot ni Cristine malalaman na nadala sila ng kanyang co-actor sa matinding eksena.

“@therealangellocsin, hehehe hindi maiwasan lalo na kapag intense,” sagot ni Cristine.

Walang ibang teleser-yeng ginagawa ngayon si Cristine kundi ang “Nang Ngumiti Ang Langit” sa Kapamilya network, kung saan gumaganap siyang kontrabida.

Nauuso ang totohanang sakitan sa teleserye para lang lumabas na hindi daya ang mga eksena ng mga bawat aktor. Ilan sa mga nagpatunay na kailangang totohanan ang sakitan o sampalan at sabunutan sa kanilang serye ay sina Max Collins at Sophie Albert, na gumaganap na magkaaway sa serye nilang “Bihag.”

Ayon sa dalawa, tinototoo na lang nila ang kanilang sampalan para hindi na ito paulit-ulit, at minsang sakit na lang sa pisngi ang iindahin nila.

Ciara lunod sa ligaya kay Austin

Parehong nalulunod sa kaligayahan dahil sa pag-ibig ang Kapamilya star na si Dawn Chang at ang pole dancer na si Ciara Sotto. Nag-post sa kani-kanilang mga Instagram wall ang dalawang babae kasama ang kanilang mga boyfriend kalakip ang message of love para sa mga ito.
Nasa isang resort island sina Dawn at ang kasintahang si Justine Cuyugan.

Sa larawan, nakaupo si Justine habang nakayakap naman sa kanya si Dawn.

Sabi ni Dawn, hindi madali ang buhay kasama ang kasintahan, pero mas gusto na niya ng ganitong paraan.

“I’m really loving life with this man. Oh boy it’s not easy. But I wouldn’t want it any other way,” sabi niya.

Magkahawak ang kamay habang nakaharap sa isa’t isa sina Ciara at ang kasintahang foreigner na si Austin. Nagpasalamat naman si Ciara kay Austin sa pagpaparamdam sa kanya na siya’y special.

“Thank you @scorp_austin! Thanks for making me feel special,” say naman ni Ciara.

Walang dudang hindi lang si Ciara ang minahal ni Austin kundi pati ang anak nito base sa comment nito sa post.

Masisilip sa profile pic ni Austin sa Instagram ang larawan nila ni Ciara habang nakapatong naman sa balikat nito ang anak ng actress-pole dancer.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy