Una sa Balita

Cristine nagpasilip ng boobs sa ‘Maria’

0 946

abante-paistaran-dondon-sermino

Matutunog na palakpakan, na may kasamang hiwa­yan, ang ibinigay na reaksiyon ng mga manonood sa pelikulang Maria ni Cristine Reyes, sa ginanap na special screening nito sa UP Film Institute.

Makapigil-hininga! Bakbakan na walang humpay.

Sa totoo lang, para sa isang pelikulang Pinoy, na babae ang bida, na makikita mong nakikipagsuntukan, barilan, talunan, mapapanganga ka talaga. Ang sarap ngang panoorin na si Cristine Reyes, hindi lang nang-aakit ng mga lalake, kundi pumapatay rin, nakikipagbakbakan sa sangkatutak na lalake.

Bongga ang mga unang minuto ng Maria, dahil ipinakita agad kung paano mag-ala-Charlie’s Angel si Cristine, ha! Para ka ngang nanonood ng Hollywood movie na bida ang babae, na pumasok sa teritoryo ng mga kalaban, at walang takot na nakipagbugbugan.

Sa presscon ng Maria, tinanong si Cristine kung may sexy scene siya sa pelikula. Well, may isang eksena sa movie na hindi kayo bibiguin ni Cristine, lalo na ang mga male fans niya, na takam na takam sa kanya.

Eksena ‘yon na matapos siyang makipagpatayan, at duguan ang buong katawan, naligo siya na hubo’t hubad. Sa simula ay nakatalikod, at pagharap, masisilip niyo na ang inaasam niyo.

Yes, may pa-boobs nga si Cristine sa Maria. Pero, hindi naman pa-boobs na super lantad talaga, ha! Basta, sapat na ‘yon para maisip niyong babae pa rin, katakam-takam pa rin ang pinapanood niyo, kahit sangkatutak na lalake na ang pinatay niya.

Ay, watch niyo na lang, para mas bongga!

Jeric super takam sa dugo ni ddddd

Winner talaga ang tandem nina Kyline Alcantara at Jeric Gonzales, ha! Sa Daig Kayo Ng Lola Ko, waging-wagi nga ito sa rating, at masasabi mong may hukbo na talaga sila ng mga follower.

Well, bagay na bagay nga raw ang role nina Kyline at Jeric. Si Jeric na isang bampira, at si Kyline na sentro ng imahinasyon niya.

At isang gabi nga, habang naghahanda si Athena (Kyline) ng hapunan, nahiwa niya ang kanyang daliri at lumabas ang dugo. Nag-iba ang itsura ni Daryl (Jeric) na parang gusto nga niyang sipsipin ang dugo sa daliri ng dalaga.

Anyway, marami nga ang hahadlang sa pag-iibigan nina Kyline at Jeric. Umamin na nga si Daryl sa pagmamahal niya kay Athena. At naging magdyowa na nga sila.

At hindi nga natuloy ang paghahalikan nila, dahil ang lugar ni Athena ay sinalakay raw ng mga bampira. Napalaban sina Athena at Apollo sa dalawang bampira, sina Tyra and Gorgon.

Sa muling pagkikita nina Athena and Daryl, nasundan sila ni Apollo, kaya disappointed ang bata. At sa kanyang pagsunod sa dalawa, nakita ni Apollo na iniligtas ni Daryl ang isang bata mula sa nahulog na banga. Naloka si Apollo sa nasaksihan niya. Abangan ang susunod na eksena.

Dingdong kinilala ang mga ‘Diva ng Dagat’

Dumayo ang host ng Amazing Earth na si Dingdong Dantes sa Taal Lake at South America para sa isang bonggang episode nila ngayong hapon.

Saksihan ang sama-samang paglangoy ng king angelfish and the black-striped salema sa Sama-Sama Together. At kilalanin si “Boy Torpedo.”

At alamin ang ugali ng mga pating sa “Party ng mga Pating.”

At sino-sino nga ba ang mga “Mga Diva ng Dagat?” At ano nga ba ang sikreto ng mga “Ang Higante ng Karagatan.”

Samantala, inalam ni Dingdong kay marine biologist Mudjekeewis Santos, ang kundisyon ng mga tawilis, an endemic fish of Taal Lake. Bakit nga ba idineklarang endangered ang mga ito?

Ang Amazing Earth ay dinirek ni Rico Gutierrez, at mapapanood pagkatapos ng “24 Oras Weekend.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy