Una sa Balita

Cristine nagliliyab ang pagkababae

paistaran

0 695

Matapos magpa-abs last week ni Cristine Reyes, na ikinaloka ng mga male fan niya, panibagong pasabog na naman ang ipinasilip ng hot momma sa kanyang Instagram.

Wow, short hair, na kulay red nga ang paandar ni Cristine ngayon, na lalong nagpatingkad sa kanyang personalidad.
Fierce! Nagliliyab nga ang bagong personalidad ni Cristine ngayon. Nagbabad­ya ng mas matinding eksena sa buhay niya ngayong 2019.

Anyway, ganun daw ang itsura niya sa movie na gagawin niya sa Georgia, na ang Untrue ang title. So, wait na lang natin.
Pero bago ‘yon, dapat ding aba­ngan ang pelikulang Maria, na kung saan ay ipinakita na nga ang trailer, na nakikipagbugbugan siya, pumapatay, bumabaril.

Bianca, Miguel super lambingan sa Cebu

Mas matinding eksena ang mapapanood ngayon sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA 7, dahil pinatay na nga ni Chick Balang (si Aswangit. At si Super Ging (Bianca Umali) naman, matapos niyang mana­ginip na sinabihan siya ni Fairy Gosh Monkey na huwag sumuko at ituloy ang laban, bigla nga siyang nabuhayan ng loob.

‘Yun nga lang, matapos mapatay ni Chick Balang si Aswangit, mag-aagawan sina Super Ging at Chick Balang­ sa magic stone, pero biglang-bigla, nawasak ito. Ano ang gagawin nina Giging at Chick Balang?

Pero siyempre, tuloy pa rin ang love story nina Super Ging at Harvey (Miguel Tanfelix). Tuloy pa rin sila sa pagpapakilig, kahit sabihin nga na nabigo ang mga fan nila na makitang magkasama sila nung Valentine’s day. Pero kahapon naman, nagpakilig ang dalawa sa Cebu, para sa promo ng Sahaya. So, naaliw na rin ang mga fan nila, dahil super lambingan nga sila sa harap ng mga fan nilang Cebuano.

Moymoy Palaboy sumabak sa Slinky Dance Challenge

Si Pauline Mendoza ang special guest nina Chris Tiu at Moymoy Palaboy sa I-Bilib ngayong umaga! At ita-tackle nga nila ang isyu na kung sino ang mas may pinakamalakas na rocket power:­ peanut butter, sugar, protein powder or egg powder?

At ano ba ang sagot sa tanong na kapag ang watermelon ay nilagyan mo ng 10,000 volts of electricity? Kasali rin sina Jay Arciall at Buboy Villar sa episode na ito.

At siyempre, samahan sina James at Roadfill sa Slinky Dance Challenge.

Miss Scuba PH Noelle Uy-Tuazon tinanghal na ‘Amazing Earth’ hero

Ngayong gabi, ipi-present ni Dingdong Dantes sa “Amazing­ Earth” ang kuwento ng “Isang Piraso ng Paraiso!” At

kukumustahin din niya ang matagal na ring pinag-uusapan na shipwrecked Japanese oiler sa “Mga Multo ng Digmaan!”

Dadalhin din tayo ni Dingdong sa Papua New Guinea in “Karnabal ng ­Corals,” where we discover the coral reefs’ potential for cure against human illnesses.

“Ang Misteryo sa Pusod ng Dagat” zeroes in on the secrets of a legendary fighter­ plane crash that’s beautifully preserved in one of World War II’s bloodiest war zones and most beautiful seascape in Kimbe Bay.

At makakaharap ni Dingdong ang Amazing Earth hero— Miss Scuba Phili­ppines 2018 Noelle Uy-Tuazon, na malaki ang pagmamahal sa various bodies of water! Bukod sa ganda niya, malaki talaga ang malasakit niya sa kalikasan, lalo na sa mga tubig.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy