Una sa Balita

Cristine inilantad ang abs sa Bangkok

By
0 928

Para sa kanyang 30th birthday ay nagbakasyon si Cristine Reyes sa Bangkok, Thailand kasama ang kanyang mga kapatid na sina Ara Mina at Heidi Gatmaytan.

Dinisplay ni Cristine ang kanyang sculpted abs sa isang pinost niyang photo sa Instagram.

Caption pa niya: “If by thirty you mean ‘more awesome’ then yas I am 30.”

Pinapakita lang ni Cristine na fit and fabulous pa rin siya kahit na ­dumaan ito sa pagsubok sa personal na buhay.
Kinumpara ng mga netizen ang katawan ni Cristine sa tatlong Jennifer ng Hollywood na may bonggang abs na sina Jennifer Aniston, Jennifer Garner at Jennifer Lopez.

Kung titingnan nga ang IG account ng aktres, walang naka-post ni isang photo ng kanyang estranged husband na si Ali Khatibi. Deleted ang lahat ng photos nito kahit na noong um-attend si Ali sa birthday ng kanilang anak.

Puro mga friends, family at ang anak niyang si Amarah and laman ng IG ni Cristine.

Mabuti pa raw sina Xian Lim at Empoy Marquez ay may kuha na nakayakap sa kanila si Cristine.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More