Una sa Balita

Cristine ilalampaso sina Anne, Erich

0 913

abante-paistaran-dondon-serminoAngelina Jolie ang peg ni Cristine Reyes sa latest movie niya, ang “Maria.” Sa itsura, sa dating, sa kaseksihan, Jolie na Jolie nga siya.

Ito nga ang unang pagkakataon ni Cristine na sumabak sa action movie. Tipong nakikipagbugbugan talaga.

“Eversince bata pa ako ang idol ko talaga si Angelina Jolie, that’s why nagpa-tattoo rin ako,” sabi niya.

Tapos na ba ang maliligayang araw ni Cristine sa pagpapaiyak? Tipong goodbye drama, romance, sexy, horror na siya?

“First time ko na magka-action project. Honestly, ito na ang favorite ko talaga. For like 15 years in the business, now I can say this is my favorite. Not because I’m promo­ting this film, pero talagang nag-enjoy ako rito, ang ganda talaga,” sabi ni Cristine.

Ikinukumpara nga si Cristine kina Anne Curtis at Erich Gonzales na nauna na ngang sumabak sa bugbugan sa harap ng kamera.

“For me kanya-kanya tayong taste, expectations. So, they have their own opinion. For me, ang importante nagawa mo kung ano ang hiningi sa iyo ng direktor mo… at saka ang criticism naman, okey lang ‘yan.

“Basta ako pinaghandaan ko ang movie na ito. Nag-training ako nang sobra. So, sana magustuhan nila,” sagot ni Cristine.

Tulad nina Anne at Erich, duguan, pasa-pasa, at masakit ang katawan, ganiyan din ba ang naranasan niya sa shooting?

“Minor lang naman. While doing the main fight, medyo lang. Maraming bruises. Maraming gasgas. ‘Pag aksiyon kasi, nandun ang adrenaline mo, hindi mo na mararamdaman ‘yon agad-agad.

“Okey lang naman. Ganu’n talaga ‘pag action movie ang ginagawa mo,” sabi ni Cristine.

Kakabugin ba niya sina Anne, Erich?

“Napanood ko ang Buy-Bust. Actually, magkaiba kasi ang style namin.”

Ibinuhos ba niya ang galit niya rito, dahil sa nangyari sa lovelife niya?

“You know what, ‘pag nagtrabaho ako, seryoso ako. So, that’s it.

“Now that I’m a mother, I value my work ngayon. Kung ano ang hingi sa akin ng work, pinag-aaralan ko talaga.”

Seksi ako ‘di ko na kailangang maghubad! — Cristine

Pero siyempre, dapat ay seksi pa rin siya sa movie, o tipong dapat ay may pasilip na katawan pa rin, o slight hubaran, na siyang inaabangan sa kanya ng mga manonood, lalo na ng mga kalalakihan.

“I think, honestly wala kaming sexy scenes dito. But I guess, I can say naman na hindi ko kailangan magpa-sexy para tangkilikin ang project. Kasi, buong pelikula ‘yun ang dapat tangkilikin.

“And at the same time, I’m sexy naman, so hindi ko na kailangang gawin pa ‘yon!” deklarasayon ni Cristine.

So, kumusta na siya ngayon?

“Mabuti naman ako. Content with my life, with work, everything,” saad niya.

‘Maria’ ililibot sa buong mundo

Anyway, sabi ng direktor ng pelikula na si Pedring Lopez, plano niyang gumawa pa ng maraming action movie na babae ang bida.

“Gusto naming ituloy ang Maria saga, if this becomes successful, magkakaroon ng part 2 at part 3. Ganun talaga ang plano.

“In terms of sa mga action movies na dapat buhayin, siguro sa male, kailangan na natin ng mga batang actions star.

“Maria was launched last year sa Hong Kong film market. doon namin in-announce na may Maria. After ng Philippine market, doon na naming ililibot sa ibang bansa pa.

“Wala kaming political agenda, we just wanna enjoy the film. Siyempre lumaki ako sa Pinoy action, o Hollywood. In a way yes, na rin. We don’t wanna change that.

“Kumbaga, kung kaya ng lalaki, siguro kaya rin naman ng mga babae,” sabi ni direk Lopez.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More